Target ni Tulfo by Mon Tulfo
NAGAGALIT si President-elect Noynoy Aquino kapag pinapayuhan siya na itigil na ang paninigarilyo. Hindi ito panghihimasok sa kanyang personal na buhay, pero dapat niyang malaman na gusto ng taumbayan na matapos niya ang kanyang six-year term. Baka kasi matigok si Noynoy sa kalagitnaan ng kanyang termino dahil sa cancer o ibang sakit na dulot ng paninigarilyo. Kapag siya’y namatay while in office, ang makikinabang ay ang kanyang bise presidente, maging si Jejomar Binay o Mar Roxas man ito.
* * *
Kailangang alagaan ni Sen. Noynoy Aquino ang kanyang kalusugan dahil very stressful ang puwesto ng Pangulo ng bansa. Maraming namamatay dahil sa stress, lalo na’t ang isang tao ay may bisyo gaya ng pagpupuyat o paninigarilyo. Ang taong nagyoyosi ay saklay ang sigarilyo kapag naka-engkuwentro ng stressful situations. The more stressful the situation, the more cigarettes a smoker consumes. And the more he smokes the more likely he’ll get sick. Kapag itinigil ni Noynoy ang paninigarilyo, lulusog ang kanyang katawan at kaya niyang hawakan ang anumang stressful situations.
* * *
Alam kong napakahirap itigil ang paninigarilyo dahil ako’y dating chain smoker. I was consuming from three to four packs of cigarettes a day when I quit. Mabaho ang aking hininga, naninilaw ang aking mga kuko sa nicotine, mabaho ang aking damit, mukha akong tuko sa kapayatan dahil mas gusto ko pang manigarilyo kesa kumain. Palagi akong nagkakasakit at madali akong hingalin dahil punong-puno ng nicotine ang aking baga. Kung hindi ako tumigil ng paninigarilyo noong 1981, baka wala na ako ngayon.
* * *
Isa sa mga major accomplishments ko sa buhay ay ang pagtigil ko ng smoking habit. Dahil sa hirap ng dinanas ko sanhi ng withdrawal symptoms, nalaman ko na meron din pala akong self-discipline. Isa sa withdrawal symptoms ay pagiging mainitin ang ulo at hindi makatulog, pero nawala ang mga ito after a while. Dahil sa self-discipline sanhi ng pagtigil ng paninigarilyo, mas lalo akong nagkaroon ng kumpiyansa sa aking sarili na magagawa ko ang ibang mahihirap na bagay. Ngayon, 29 years after I quit smoking malakas ang aking pakiramdam at hindi na ako hinihingal kapag umakyat ng isang floor. In fact, I engage in rigorous sports like badminton and the martial arts every day na hindi ko sana magagawa kung di ako tumigil manigarilyo. I used to run every day matapos akong tumigil na manigarilyo, pero hindi ko na ito ginagawa dahil nagkaroon na ako ng diperensiya sa tuhod sanhi ng running.
* * *
Hindi magandang halimbawa sa mga kabataan ang isang lider, lalo na’t Pangulo, na naninigarilyo. Kapag itinigil ni Noynoy ang paninigarilyo, ipinapakita niya sa mga tao na meron siyang disiplina sa sarili. Self-discipline is the mark of a true leader.
Bandera, Philippine News, 060810
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.