NILABAS na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang bagong ruta para sa inaabangang “Parade of Stars” ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon sa MMDA, mangyayari ang parada sa Quezon City sa December 21.
Sa isang pahayag na ibinandera sa social media, sinabi ng MMDA na magsisimula ang ruta sa Welcome Rotonda hanggang sa Quezon Memorial Circle.
Sey sa Facebook post, “This year’s Parade of Stars, which signals the official start of the festival, will be hosted by the local government of Quezon City.
“The parade, featuring floats carrying celebrities of the film festival’s entries, will start from Welcome Rotonda-Quezon Avenue to Quezon Memorial Circle at 2pm of December 21.”
“The parade will run for seven kilometers, with an estimated travel time of two hours and 30 minutes,” saad pa sa FB post.
Tiniyak ng MMDA sa publiko na magde-deploy sila ng traffic enforcers para mapanatili ang kaligtasan, pati na rin ang crowd control.
Narito ang litrato ng ruta na mula sa MMDA:
Samantala, ibinandera muli ng MMFF sa kanilang official Facebook page ang opisyal na posters ng walong pelikula na pasok sa kanilang “Magic 8.”
Caption pa sa post, “Ngayong MMFF, tunghayan ang samu’t saring emosyon mula sa mga pelikulang amin ihahandog.”
Heto ang listahan ng mga official entries sa MMFF na dapat ninyong abangan ngayong taon.
-
“DELETER” na pinagbibidahan ni Nadine Lustre.
-
“FAMILY MATTERS” na pinagbibidahan nina Noel Trinidad at Liza Lorena
-
“MAMASAPANO NOW IT CAN BE TOLD” starring Edu Manzano, Aljur Abrenica at JC De Vera
-
“MY FATHER, MYSELF” nina Jake Cuenca at Dimples Romana
-
“LABYU WITH AN ACCENT” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria
-
“NANAHIMIK ANG GABI” nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo
-
“PARTNERS IN CRIME” starring Vice Ganda at Ivana Alawi
-
“MY TEACHER” na bida sina Toni Gonzaga at Joey De Leon
Ipapalabas ang mga pelikula simula December 25 hanggang January 7.
Ang awards night naman ng film fest ay mangyayari sa New Frontier Theater sa Cubao sa December 27.
Related chika:
‘Magic 8’ official entries ng MMFF na maglalaban sa Disyembre, kumpleto na
True ba, gagawin nang 10 ang pelikulang maglalaban-laban sa MMFF 2022?