NAGDADALAMHATI ang pamilya ng mang-aawit na si Erik Santos sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang ina na si Gng. Angelita Ramos-Santos sa edad na 66 kaninang 1AM sa sakit na lung cancer.
Tila hinintay lang ng mama niya si Erik na dumating kagabi mula sa Threelogy concerts series nito sa Amerika kasama sina Christian Bautista at Morissette.
Matatandaang unang na-diagnose ang mama ni Erik noong Pebrero kung saan siya unang pinasok sa hospital at sa mga panahong iyon ay tahimik ang buong pamilya tungkol dito.
Ito ang laging ipinapanalangin ni Erik at sa katunayan ay naging emosyonal siya noong kaarawan niya noong Oktubre 10, Lunes ipinagdiwang niya ito sa ASAP Natin ‘To ng Linggo, Oktubre 9 dahil nga maysakit ang pinakamamahal na ina.
Pagkatapos kumanta ni Erik kasama ang bunsong kapatid na si Hadiyan Santos ng “Wind Beneath my Wings” ay emosyonal na sinabi nito.
“I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing. ‘Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings’ ‘yun po ‘yung kanta ko sa kanya.
“It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya, so, ‘pag napanood niya ’to alam kong magiging masaya siya dahil ‘yung kantang ‘to and on my very special day I would like to honor her (emosyonal) and to say that I love you so much, Mommy.
“Nandito lang kami para sa’yo. You are our hero together with Tatay and I want you to know that you have been and will always and forever be the wind beneath our wings. We love you and kaya natin ‘to. Kapit tayo.”
Naging labas pasok kasi ng hospital ang mama ni Erik simula Pebrero at simula nitong Setyembre 13 ay hindi na siya inilabas hanggang sa binawian na ng buhay kaninang madaling araw, Nobyembre 25.
Samantala, base sa social media posts ni Erik kaninang madaling araw ay larawan ng ina ang ginawa niyag profile picture na ang caption ay, “My one and only. Mahal na mahal kita, Nanay! (emoji heart).
Muli niyang pinost ng kanilang umaga ang larawan ng ina, “Mahal na mahal na mahal kita, Nanay. (emoji heart).”
At kaninang 2:30PM ay pinost na ni Erik, “She is finally home with Jesus (emojis praying hands and heart). I love you so much, Nanay.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang detalyeng inilalabas ang pamilya Santos kung saan ito ibuburol.
Nakikiramay kami kay Erik Santos at sa buong pamilya nito.
Related Chika:
Hiling ni Erik Santos sa madlang pipol para sa kaarawan…ipagdasal ang paggaling ng inang may sakit
Erik sa paghahanap ng kanyang ‘the one’: Kailangan grabe yung faith niya kay God
Erik Santos nangakong hindi iiwan ang pamilya kahit may asawa’t anak na
Hugot ni Erik Santos: Kung sino pa ang mga icon, sila pa ‘yung sobrang bubuti ng kalooban