True ba, gagawin nang 10 ang pelikulang maglalaban-laban sa MMFF 2022? | Bandera

True ba, gagawin nang 10 ang pelikulang maglalaban-laban sa MMFF 2022?

Reggee Bonoan - October 18, 2022 - 08:17 AM

True ba, gagawin nang 10 ang pelikulang maglalaban-laban sa MMFF 2022?

Vice Ganda, Ivana Alawi, Jodi Sta. Maria, Coco Martin, Toni Gonzaga at Joey de Leon

TRULILI kaya na pinag-uusapan pa ng mga opisyales ng Metro Manila Development Authority o MMDA kung anu-ano ang mga pelikulang maglalaban-laban sa Metro Manila Film Festival 2022?

Sitsit ng aming source, “Hindi pa kasi makapag-decide kung mananatiling 8 movies ang kasama sa MMFF o gagawing 10 kasi sobrang dami ang nag-submit ng finished movies, e, sayang naman.”

Matatandaang inanunsyo noong Hulyo ang top 4 movies na kasama sa MMFF 2022, ito ay ang “Labyu with an Accent,” “Nananahimik ang Gabi,” “Partners in Crime,” at “The Teacher.”

Ang “Labyu with an Accent” ay pagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria produced ng ABS-CBN Film Productions na ididirek mismo ng aktor bilang si Rodel Nacianceno.

Sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo naman ang bida sa “Nananahimik ang Gabi” mula sa direksyon ni Shugo Praico mula sa Rein Entertainment Productions.

Bibida naman sa “Partners in Crime” naman sina Vice Ganda at Ivana Alawi mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina produced by ABS-CBN Film Productions.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


At ang pang-apat ay ang “The Teacher” na idinirek ni Paul Soriano at pagbibidahan ng asawang si Toni Gonzaga-Soriano at ng komedyanteng si Joey de Leon, produced ng TEN17P.

Base rin sa aming nalaman ay unanimous decision na pasok ang “Mamasapano” movie sa susunod na iaanunsyo produced by Atty. Ferdinand Topacio mula sa direksyon ni Lester Dimaranan.

Pagbibidahan ito nina Paolo Gumabao, Rico Barrera, Edu Manzano, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Claudine Barretto, Allan Paule, Myrtle Sarrosa, JC de Vera, Ritz Azul, Mikey Arroyo at marami pang iba.

Ang Metro Manila Film Festival 2022 ay magsisimula sa Disyembre 25 hanggang Enero 7.

Sunshine Dizon dedma sa bashers: May 2 anak ako, kailangan kong magtrabaho

Tuesday ratsada sa pagtitinda ng kung anu-ano: Marangal na kabuhayan ang pagbebenta at hindi ko ito ikinahihiya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn, Daniel bakunado na rin; may panawagan sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending