PINALAKPAKAN si Jake Cuenca kasama si Sean de Guzman sa napakahusay nilang pagganap sa pelikulang “My Father, Myself” na entry sa 2022 Metro Manila Film Festival mula sa istorya at direskyon ni Joel Lamangan.
Ipinapanood sa ginanap na mediacon nitong Huwebes ang trailer ng “My Father, Myself” sa Quezon City. Ginampanan ng aktor ang karakter bilang may asawa’t anak pero may lihim na pamamahal kay Sean na anak ng dati niyang karelasyon na si Allan Paule.
May matitinding kissing scenes na doon palang ay napahiyaw na ang lahat at sabi ng isa sa producer na si John Bryan Diamante ng Mentorque Productions ay patikim palang ang napanood sa trailer dahil may mas matindi pa.
Nahulaan naman kaagad ng media na may bed scenes sina Jake at Sean dito na nangingiti lang ang una sa reaksyon ng lahat.
Base mga napanood naming series at pelikula ni Jake ay talagang mahusay naman siya sa bawa’t karakter na ginagampanan niya, ‘yun nga lang isang tropeo palang ang naiuwi niya, ang Best Supporting award mula sa Star Awards for Movies noong 2012 mula sa pelikulang “In the Name of Love” kasama si Baron Geisler for “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”.
Ang ibang award giving body ay napansin din naman ang kakayahan ni Jake tulad ng Famas (In the Name of Love, Gawad Urian, (In the Name of Love), Metro Manila Film Festival (Ang Panday), Queens World Film Festival (Nuwebe).
Samantala, kapansin-pansin ang pagiging emosyonal ni Jake dahil labis siyang nagpapasalamat na nagustuhan ng lahat ang acting niya, pinuri siya ni direk Joel at ng co-actors niya headed by Dimples Romana, Tiffany Grey at Sean bukod pa sa napasama pa ito ngayong MMFF 2022.
“Naririnig ko lang na pinupuri ako ni direk Joel naririnig ko lang na pinupuri n’yo ‘ko, ang laking bagay na talaga sa ‘kin niyan, (namumula ang mga mata).
“Ano kasi, itong pelikulang ‘to, sa totoo lang (nginig na ang boses) hindi pa ‘ko handa talagang magtrabaho pa, I wasn’t ready to work yet. Pero kasi, rather than shy away from it, rather than matakot, buong puso ko siyang tinanggap. And it’s exactly what I needed in my life at that time.
“So, for me, sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong pandemya na ‘to, lahat ng pinagdaanan nating lahat, makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face to face ko lang lahat ng tao, mapuri ako ni direk ng ganito, laking bagay na po sa akin ‘nun.
“Marami po kasing nangyari noong (lockdown) pandemic pero hindi ko na po iisa-isahin, hindi ko naman kayo iimbitahin sa aking pity party (nagkatawanan ang lahat) maraming beses po (umiyak) kasi everything came to me as a surprise, pero sabi ko nga at the end of it nandito na ako ngayon,” bungad paliwanag ni Jake.
Inamin nito na ang Diyos ang talagang hiningan niya ng tulong, “I made a deal with God accept life in all conditions, kung baga anything comes on my way, I’m not gonna give up on my dreams, I never gonna stop and I’m an actor this is what I get paid to cry but for me sabi ko nga after what I’ve been through tanggap ko na ang buhay life is not perfect. I’m gonna be grateful for the good and bad times kasi ito natutunan ko to this journey talo ka naman talaga if you don’t learn. Kung hindi ka natuto that’s really what you lose.”
Nahulaan naman ng lahat kung ano ang dinaanan ni Jake nitong first quarter ng 2022 dahil Abril nang maghiwalay sila ng girlfriend niyang si Kylie Verzosa na umabot sa tatlong taong relasyon.
“Kung napansin n’yo naman hindi po ako nagsalita, I’ve never said anything sa nangyari, everything else, so, I kept it inside and, in this movie, allowed me to express.
“In-allow ako ng pelikulang ito na maglabas ng emosyon at hindi ako hinusgahan sa set, in-encourage ako ni direk Joel na ibigay. Of course hindi ko kinukuwento ang mga problema ko sa set but obviously everyone knows kung ano ang pinagdadaanan ko, everyone was very, very supportive with me. ‘Yun ang saving grace ko sa buhay ko na kapag may masamang nangyari sa akin, gagamitin ko para sa out ko,”pangangatwiran ng aktor.
Sa tanong kung may lovelife na ulit siya, “solo flight po ako ngayon. I’m open (sa pakikipagrelasyon) but ang priority ko po ay ang pangarap ko at pangarap ng pamilya ko.
“I’m grateful kasi mas lalong naging close (ako) sa family ko, ‘yung nanay ko po talaga ang nag-save sa akin, nanay ko po talaga ang pumulot sa akin sa sahig, nagsabi sa akin, ‘kaya mo yan, gagawin mo itong pelikulang ito, so, ang laki talaga ng utang na loob ko sa nanay ko.
“Sa mga naging experience ko (pingdaanan), pinili ko po talaga ang pamilya hindi kaibigan, ayoko n apo masyadong magkuwento. Sa nanay po ako talaga (ako kumapit), hanggang ngayon.”
Sa kasalukuyan ay hindi pa nagkakausap o walang komunikasyon sina Jake at Kylie dahil fresh pa sa kanya ang hiwalayan nila na ilang buwan palang ang nakalilipas.
Labis ang pasalamat ng aktor dahil tambak ang trabaho niya ngayon kaya kahit paano ay busy ang utak niya dahil bukod sa pelikula ay may TV series din siyang umeere ngayon, ang “The Iron Heart” sa ABS-CBN.
Anyway, mainit na pinag-uusapan sa social media ang mga eksena ng “My Father, Myself” lalo’t binigyan ito ng rating na R-18 ng MTRCB.
Hindi naman itinanggi ni Jake na marami siyang nababasang komento sa kanyang Instagram account na positibo at negatibo, pero okay lang daw iyon sa kanya o sa kanilang lahat.
“Sometimes pop ag may nababasa tayong comments, sometimes we choose kung ano ang gusto nating makita. Iba-iba ang opinyon but one thing for sure and iyon naman po ang gusto namin mag-invite ng conversation at masakit po ‘yun kung hindi pinag-usapan ang pelikula. Sa akin lang po ‘yun personally.”
Bukod kina Dimples, Tiffany at Sean ay kasama rin sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose.
Ang My Father, Myself ay mapapanood na sa Disyembre 25 bilang bahagi ng MMFF 2022 #BalikSayasa 2022 mula sa panulat ni Quinn Carillo, istorya at idinirek ni Joel Lamangan produced ng 3:16 Media Network headed by Len Carillo with Jumerlito Corpuz, Nicanor Abad Erwin Ortanez and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.
Related Chika:
Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’
Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan
Bea Alonzo takot na takot kay Jake Cuenca: Iyak ako nang iyak hanggang dressing room