Andi Eigenmann kay Ellie: I am here for you all the way, my girl 4 life! Bandera

Andi Eigenmann kay Ellie: I am here for you all the way, my girl 4 life!

Therese Arceo |November 23,2022
share this

Andi Eigenmann kay Ellie: I am here for you all the way, my girl 4 life!

Therese Arceo - November 23, 2022 - 11:57 PM

Andi Eigenmann kay Ellie: I am here for you all the way, my girl 4 life!

SHORT but sweet ang mensahe ng actress-vlogger na si Andi Eigenmann sa kanyang panganay na anak na si Ellie.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng actress-vlogger ang video clip na naglalaman ng mga larawan ng anak simula noong maliit pa ito.

“Happy birthday to this little lady. The past 11 years of my life have been golden because you are in it,” saad ni Andi sa caption.

Dagdag pa nito, “Hoping it’s even just half as amazing for you. I am here for you all the way, my girl 4 life! Moma loves you Ellie!!!”

Maski sa Instagram story ni Andi ay ibinandera niya ang mga throwback pictures nila ni Ellie.

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati para sa pretty birthday girl.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

“Happy birthday Ate Ellie! You got the best of both world!! We love and support you,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng tiyuhin ni Andi na si Michael De Mesa, “Happy Birthday Ellie (hearts emoji)”

“Happy birthday, Ellie love! Hope you have a good one! Also, I miss you na! Love you babe,” sabi naman ni Julie Eigenmann.

Maging ang dating karelasyon ni Andi at ama ni Ellie na si Jake Ejercito ay hindi rin nakalimot na batiin ang anak sa kanyang espesyal na araw.

“Daigdig ko. Happy birthday,” sabi ni Jake kalakip ang larawan ng anak.

Makikita rin sa recent IG story ni Andi ang naging simple celebration ni Ellie kasama ang kanilang pamilya at ang mga kaibigan nila sa Siargao.

Tuwang-tuwa pa nga ang kanilang mga kaibigan habang kinakantahan siya ng “Happy Birthday” song.

Paniguradong happy ang panganay ni Andi sa pagdiriwang ng kanyang ika-11th birthday lalo na at punung-puno siya ng pagmamahal mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Related Chika:
Jake masaya sa co-parenting setup nila ni Andi: Nakikita ko kay Ellie na hindi na siya nahihirapan…

Jake may promise para kay Ellie: Happy birthday, my love!

Jake kay Ellie: I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama

Jake Ejercito 5 taon nang walang dyowa; payag makatrabaho sina Andi at Jaclyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending