SINAGOT ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa o Mary Jean Lastimosa ang basher na nagtatanong kung retokada nga ba siya.
Nag-post kasi ang dalaga ng video sa kanyang Facebook page kung saan makikitang kasama niya si Indira Perez Meneses, ang Mexican delegate sa Miss Earth 2022.
Aliw na aliw nga ang mga netizens at sinasabing tila kamukha ni MJ ang Mexican beauty queen.
Ngunit sa kabila ng mga positibong komento sa kanyang post ay hindi pa rin maiiwasan na mayroong hindi magandang komento na mapapasama.
“Parehas retokada?” comment ng isang netizen sa Facebook post ni MJ.
Halatang hindi nagustuhan ng Pinay beauty queen ang sinabi ng netizen kaya naman dali dali niya itong sinagot pero with grace at poise pa rin.
Sey ni MJ, “Yes, I can afford [wink emoji].”
Muli namang nag-reply ang netizen sabay sabi, “I never said you can’t afford, you definitely can… with all your resources. No question with that at all my dear MJ.”
Sagot uli ng Miss Universe Philippines 2014, “So what’s the point with your comment madam its almost 2023 wake upppp.”
“I just said parehas na retokada! That was just it and MJ seconded it by saying she can afford it hahahahahahahahahaha,” tila nag-e-enjoy sa pang-aasar na sabi ng basher.
Ang naturang palitan ng komento ay ini-screenshot ng dalaga at ipinost sa kanyang social media account.
“Ma’am Cedric I was bullied in 2011 for having veneers and boobs and waist that’s too small, (apparently they insisted I took off my rib but since my waist is not that small anymore I prob grew them back, alien yarn) and that was okay,” caption ni MJ.
Dagdag pa niya, “I survived it! But this mindset as we welcome 2023? Eww!”
Umani naman ng napakaraming suporta mula sa mga netizens ang naging Facebook post ng dalaga.
“Haysss mga ganyang tao mga bitter… Walang kaligayahan sa buhay. Gusto nila kung malungkot sila pati nasa paligid nila malungkot rin. Nakakapikon mga ganyang tao ‘yung pangit na nga sila, malungkot pa!” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Ito ‘yung mga taong malungkot ang buhay since birth kaya nanghihila na lang ng kapwa. Stay happy and beautiful Miss MJ.”
“Mamsh MJ Lastimosa may mga ganyang tao feeling perfect. Bsta kame happy kame palagi sayo mamsh!” sey naman ng isa.
Related Chika:
MJ Lastimosa napagkamalang kandidata sa 2021 Miss U: Kaloka ‘yung advisor in-award ako!
Rabiya looking forward sa muling pagsali ni Kisses sa MUPH; MJ humanga sa bait ng dalaga
Samantha Bernardo sinorpresa ng boyfriend, MJ Lastimosa napa-OMG