Donnalyn Bartolome naiinip sa bank account ni Xian Gaza: Ano naaaaaa?

Donnalyn Bartolome naiinip sa bank account ni Xian Gaza: Ano naaaaaa?
HANGGANG ngayon ay hinihintay pa rin ang singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome sa bank account ng “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng dalaga ang larawan ng kanyang kaibigan na si Marie kung saan pinakikiusapan niyang ideposito na ang pera kay Xian Gaza.

Base sa caption ni Donnalyn, nakisuyo na siyang ideposito ang pera sa bank account ni Gaza dahil ilang araw na itong nasa kanya ngunit hanggang ngayon raw ay wala pa ring sini-send ang lalaki kaya hindi nila ito maibigay.

“ANO NAAAAAA?” dagdag pa niya.

Matatandaang nagkahamunan sina Donnalyn at Xian sa social media na nagsimula noong mag-post ang huli patungkol sa mga kababaihan na nagbabayad ng VIP tables gamit ang perang ibinigay ng kanilang sugar daddies.

Agad namang pumalag ang singer-vlogger sa pahayag ni Xian at sinabing hindi lahat ng babae ay tulad ng sinasabi ng social media personality.

“No offense Gaza pero wag mo lahatin, merong mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit san mo pa siya dalhin. Nasaan ka ba at ako pagbayarin mo sa VIP table—club of your choice,” pagbabahagi ni Donnalyn.

Sumagot naman si Xian at ipinakita ang picture ng bill niya sa isang VIP table sa Singapore na nagkakahalagang P195,000.

“Donnalyn, nasa MarqueeSingapore po ako. Paki-reimburse. P195K in Philippine peso,” sey ni Xian.

Agad naman itong sinagot ng dalaga at sinabing “Chat mo sakin bank account mo friend.”

Saad pa ni Donnalyn sa hiwalay na comment, “Chat na friend wag ka na mahiya Send bank account na, wire ko agad thank u.”

Linggo pa nang mangyari ang hamunan sa pagitan ng dalawa ngunit magpasahanggang ngayon ay tila hindi pa rin sila nakakapag-usap.

“Ano na friend? Baka sabihin nila scripted eh,” hirit pa ni dalaga.

Anyways, sa buradong post ni Xian ay sinabi nitong wala siyang balak tanggapin ang pera mula sa singer-vlogger dahil lalabas daw na isa siyang lhampaslupa” kung tatanggapin ito.

Pag-amin pa niya, “triggered posting for virality purposes” ang ginawa niyang pahayag.

Ige-generalize mo yung buong sektor para ma-trigger ang lahat at mag-trending yung post mo. Very effective. Kumagat si Donnalyn and I love it. Mission accomplished,” lahad ni Xian.

Tahimik naman si Xian sa patuloy na pangungulit ni Donna patungkol sa pagse-send sa kanya ng pera bilang kabayaran sa ginastos niya sa VIP table sa Singapore.

 

Related Chika:
Xian Gaza supalpal kay Donnalyn Bartolome: May mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit saan mo pa siya dalhin

Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Donnalyn Bartolome nag-sorry matapos ma-bash sa ‘sexy baby’ photoshoot: It was an honest mistake…I feel terrible

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Read more...