Dating atleta na si David Bunevacz 17 taon makukulong sa US dahil sa pambubudol, pinagbabayad ng P2-B danyos
DAHIL sa kasong “pambubudol”, makukulong ng 17 at kalahating taon ang atleta at dating aktor na si David Bunevacz.
Ito’y matapos siyang sentensyahan ng US District Court sa Los Angeles, California para sa pagpapatakbo ng pekeng Cannabis company na pinondahan ng kanyang partner investors.
Dadalhin sa California State Prison si David Bunevacz para sa kanyang sentensya.
Ayon sa korte, ginamit ni David Bunevacz ang mahigit US$40 million investment ng kanyang business partners para pondohan ang kanyang bonggang lifestyle.
Ginamit daw ng dating aktor ang milyun-milyong dolyar sa pagbili ng ng isang mansion sa Calabasas sa California, mga expensive stuff tulad ng mga branded at signature bags.
Base rin sa ulat ng korte, ilustay din daw ni David ang pera sa pagta-travel, paglalaro sa casino sa Las Vegas at party-party kasama ang kanyang pamilya.
Bukod sa mahigit 17 taong pagkakulong, pinagbabayad din ng korte si David Bunevacz ng US$35 million (mahigit P2 billion) bilang danyos sa lahat ng mga na-scam nito.
Naiulat din na 40 years sana ang parusang ipapataw kay David pero napababa nga ito sa 17 matapos pumasok sa Isang plea agreement last July, 2022. Naghain kasi ang former actor ng “guilty” plea para sa mga kasong wire at security fraud.
Matatandaang inaresto si David noong April, 2022 habang under probation kaugnay ng kanyang conviction sa pang-i-scam pa rin taong 2017.
Sa mga hindi pa aware, si David na isang Philippine Decathlete, ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas noong 1997 matapos maiuwi ang gold medal sa Southeast Asian games bilang representative sa Javelin throw.
David naglabas ng feelings kay Julie Anne: Nasa kanya na lang kung o-oo siya o hindi…
Karen Davila sa unang pagboto ni David: You make me so happy! Proud of you anak!
Atleta at coach na lalahok sa Tokyo Olympics, SEA Games, nasa priority list ng vaccination
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.