“BUTI may bago siyang show, hirap ka-work n’yan,” tsika ng TV executive na nakatrabaho ang TV host-actor na feeling entitled.
Ang bida sa blind item ay kilalang komedyante na magaling naman talaga sa field niya at hindi na siya umaasa sa script dahil puro adlib siya na pasok naman sa mga eksena kapag umaarte siya.
Pagdating sa hosting ay witty talaga siya kaya maraming pumupuri sa kanya, bagay na ikinalalaki ng ulo nitong TV host-actor.
Hanggang dumating ang panahong nawalan ito ng regular program bilang TV host at dahil maraming obligasyon kaya kumatok sa mga producer na kunin siya bilang artista.
May mga kumuha naman sa kanya dahil marunong naman ding umarte pero sa katagalan ay pagsasawaan mo rin dahil wala namang bagong ipinakikita.
Hanggang may baguhang direktor ang gustong kunin ang serbisyo ng TV host-actor bilang tulong na rin since nagkasama sila rati noong may regular show pa ito.
Pero laking gulat ng baguhang direktor dahil bukod sa nag-quote ng mataas na talent fee ang TV host-actor ay nag-demand pa kung ilang oras lang siya magsu-shoot dahil busy siya.
“Partida magkakilala pa niyan sina (TV host-actor at direktor) pero ganu’n ang sinagot niya. Ipinagtanong ni ____ (direktor) kung anu-ano ginagawa ng lolo mo, wala naman pala nagmamaganda lang para kunwari bisi-bisihan siya para ibigay ang demands niya.
“Sa irita ni ____ (direktor) hindi na niya kinuha, tutulungan na nga lang nagmalabis pa,” kuwento ng kausap naming TV executive.
Nabanggit pa na iba rin ang ugali ng TV host-actor sa production pero kapag mga boss ng TV station ang kausap ay hanggang tenga ang ngiti at sobrang galang.
“Saka pag kayo (media) ang kaharap, pansin mo sobrang galang. Ha-hahaha! Takot masulat. So, may ganu’n siyang ugali kasi nga magaling naman talaga pero umo-over. Dapat nga mas lalo kang maging humble,” sabi pa ng kausap namin.
Nakakaaliw kasi nalibot na ng TV host-actor ang apat na network ng Pilipinas, ABS-CBN, TV5, NET25 at GMA 7.
Sa kasalukuyan ay may show si TV host-actor sa dalawang TV network ngayon na parehong once a week.
Other Chika:
Sikat na male celeb hiniwalayan ang dyowa nang malamang ‘kumabit’ sa mayamang personalidad
Julia Barretto hindi inurungan ang pang-aasar ni Matteo sa kanya: Pwede nating i-mention ‘yung…
Robi excited na sa pagbuo ng sariling pamilya; may sariling hugot sa ‘perfect love’