Robi excited na sa pagbuo ng sariling pamilya; may sariling hugot sa ‘perfect love’
NAPAG-UUSAPAN na ng TV host-actor na si Robi Domingo at ng kanyang girlfriend na si Maiqui Pineda ang tungkol sa pagbuo ng sariling pamilya.
Aminado naman si Robi na hindi na siya bumabata at napakabilis na ngayon ng takbo ng panahon kaya kasama na talaga sa mga priorities niya sa buhay ang pagpapakasal.
“We’ve been talking about it for some quiet time now. Lalung-lalo na we are not getting any younger and ‘yun naman na ‘yung inaayos ko ngayon.
“In the coming years, you would be one of the first people who would know kung I would be bending the knee. I am so excited for that one,” ang pahayag ng Kapamilya star sa chikahan nila ni Kathryn Bernardo na mapapanood sa “TGIS” segment ng YouTube channel ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Robi, “I fell in love constantly with her kasi there’s another world na nakikita ko sa kanya and also she puts my feet down.
“‘Yun ang pinakamasarap na pakiramdam kapag kasama ko si Maiqui na everything is real pero lahat ng pangarap ko parang natupad ko sa kanya,” aniya pa.
Samantala, ibinahagi rin ng binata sa madlang pipol ang mga mahahalagang aral na natutunan niya pagdating sa usapin ng pagmamahal.
“Ang paniniwala ko, love is serendipitous. Kapag dumating ‘yung tamang tao sa tamang panahon, for me ‘yon ang perfect love.
“Kasi pwedeng dumating ‘yung tamang tao, pero marami ka pang kagustuhan before or iba ‘yung priorities mo, responsibilities mo. May mga gusto ka pang maabot sa sarili mo lang. That’s okay.
“Tapos may dumarating din na pagkakataon pero hindi naman siya ‘yung perfect na tao, ‘yung tamang tao para sa iyo,” sey ni Robi.
Dagdag pa niyang chika, “So kapag naghalo na ‘yung dalawang konsepto na ‘yon (timing) at right person, then I think ‘yun na ‘yon. And I guess ‘yun ang mayroon sa amin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.