Angel Locsin itinanggi ang chikang hiwalay na sila ni Neil Arce, naglabas ng ‘resibo’

Angel Locsin itinanggi ang chikang hiwalay na sila ni Neil Arce, naglabas ng 'resibo'

AYAN, naglabas na ng resibo si Angel Locsin sa kanyang Facebook account na may 24M followers ng mga larawan nila ng asawang si Neil Arce na kuha noong civil wedding nila sa Taguig City na pinamunuhan dati ni Mayor Lino Cayetano.

Ang caption ni Angel, “Together forever (emoji heart). [Team Angel PH].”

Ang bilis umakyat ng bilang ng engagement pagkapost ni Angel ng mga larawan nila Neil na umabot sa 6,000, 51 shares at mahigit 200 comments bago mag hatinggabi kanina.

Matatandaang maraming haka-hakang baka kaya hindi nagpaparamdam si ‘Gel ay dahil may pinagdadaanan siya dahil hiwalay na sila ni Neil.

Nag one plus one kasi ang netizens na hindi sinasagot ni Neil ang mga tanong sa kanya sa kanyang Instagram account kung kumusta at nasaan si Angel.

Nag-post kasi si Neil sa kanyang IG na nagpo-promote ng show na ang venue ay sa resto bar sa Timog Avenue, Quezon City na part owner siya.

Marami ang nagtanong sa hubby ni ‘Gel tungkol sa kanya pero hindi sila sinagot nito.

Kaya may mga haka-hakang hiwalay na at kung anu-ano pang pinalutang.

Pero nakakatuwa naman ang mga komentong nabasa namin sa post ni Angel dahil binabati sila ni Neil ng ‘congratulations’ na inakalang ‘nagpakasal’ sila.

Samantala, isinilebra nina Neil at Angel ang kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa noong Agosto 7 sa paglilibot nila sa Spain.

May mga haka-haka ring sinabing buntis si Angel at kaya hindi siya nagpaparamdam ay para i-surprise ang lahat.

Sa pagkakaalam naman namin ay nasa magandang kalagayan niya ngayon ang aktres at sa 2023 ay may project siyang gagawin.

 

Related Chika:
Angel Locsin piniling manahimik sa socmed, hindi totoong hiwalay kay Neil Arce

Angel Locsin kay Neil Arce: Panalo ako sa pagmamahal at kasiyahan na ibinigay mo

Angel, Neil magpapakasal pa rin sa simbahan; Dimples naging instant photog sa civil wedding

Payo kay Neil Arce ng ina: Maging ander ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo!

Read more...