Zoren Legaspi kay Carmina Villaroel: You are forever safe in my arms

Zoren Legaspi kay Carmina Villaroel: You are forever safe in my arms

SHORT but sweet ang mensahe ng aktor na si Zoren Legaspi para sa kanyang asawang si Carmina Villaroel.

Kahapon, November 15 kasi ang ika-sampung anibersaryo ng kanilang kasal.

Sa Instagram nga ay ibinandera ni Zoren ang kanyang kabiyak at ina ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassy.

Ipinangako ng aktor na kahit ano pa ang kanilang pagdaanang pamilya ay sisikapin niyang panatilihing ligtas ang m


“Happy 10th Year Anniversary to us today my Muffin @mina_villarroel it doesn’t matter how many rough waves we will encounter.. just hang on tight,” saad ng aktor.

Dagdag pa ni Zoren, “YOU ARE FOREVER SAFE IN MY ARMS…with Gods Mercy of course #happyanniversary #anniversary #couplegoals #forever arf arf.”

Sagot naman ni Carmina sa post ng asawa, “Thank you Tatay @zoren_legaspi Thank you for your love. Arf Arf!”

“@mina_villarroel never doubt,” reply naman ni Zoren.

Hindi rin naman nagpatalo si Carmina at may post rin ito sa kanyang Instagram upang batiin ang asawa.

Pagbati ng aktres kay Zoren, “To my Honey, Dinosaur and our Tatay, Happy Anniversary! We’ve been through a lot and I wouldn’t have survived those trials without you.

“Thank you for always being there for me and for my family. You are my rock and pillar of strength. I will marry you all over again. Arf-Arf @zoren_legaspi.”

Marami naman sa kanilang mga kaibigan sa industriya gaya nina Gelli de Belen, Aiko Melendez, Iza Calzado, Sherilyn Tan ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa celebrity couple.

Matatandaang noong November 15, 2012 nang magdesisyong magpakasal sina Zoren at Carmina sa New Alabang, Muntinlupa na in-officiate ng isang lady judge.

Noong mga panahong iyon ay 11 years old na ang kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Related Chika:
Zoren kakaibang iyak ang ipinakita sa ‘The End Of Us’: Para hindi ako pagtawanan ng kambal

Zoren ibinuking si Carmina: Nag-aaway kami sa taping, para akong anak niya na kailangang intindihin

Zoren Legaspi binuking ang bisita ni Cassy: Sino itong D who?

Read more...