“GREATEST Love,” ang paglalarawan ni Claudine Barretto sa ex-boyfriend niyang si Rico Yan na namayapa na.
Isa kasi sa napag-usapan sa one-on-one interview ni Claudine kay Gladys Reyes para sa programa nitong “Moments” sa NET25 ay ilarawan nito ang mga naging leading man niya sa pelikula habang naghuhula-hoop siya.
Banggit ni Gladys, ‘First leading man, Mark Anthony Fernandez (Mangarap Ka, Pare Ko at Deception).
“First love! Ayy gusto mo ‘yun?” masayang sabi ni Clau na ikinahiyaw ng “Moments” host.
Sumunod ay si Diether Ocampo (Calvento Files The Movie, Dahil Mahal na Mahal Kita, Soltera at Nasaan Ka Man).
“Bestfriend!” mabilis na sagot ng aktres.
Si Jericho Rosales (Kailangan Kita at Nasaan Ka Man).
“Sobrang galing! Magaling na artista,” say ni Clau.
‘Oo naman!’ sang-ayon ni Gladys.
E, si Piolo Pascual (Together Un4ever, Milan at Etiquette of a Mistress).
“Guwapo!” kaswal na sagot ng tinaguriang Optimum Star.
“Yes, of course Papa Pi!”mataas ang tonong sabi ni Gladys.
Dagdag pa, “isa pa ito, gustung-gusto ko ‘tong pelikulang n’yo, eh. Aga Muhlach ( Loving Someone, Oki Doki Doc, Kailangan Kita at Dubai).
“Favorite!” say ni Claudine.
Siyempre hindi puwedeng wala si Robin Padilla (Opps teka lang Diskarte ko ‘to).
“Gentleman!” mataas ang tonong sagot ng aktres.
“Ay oo naman, super agree ako,” say ni Gladys, “and last but not the least Rico Yan (Flames, Dahil Mahal na Mahak Kita, Gimik the Reunion, Got 2 Believe).
Mabilis na sabi ni Claudine, “greatest love!”
“Ayyyyyy!” humihiyaw na reaksyon ni Gladys sabay palakpak
Dagdag pa, “kinikilig pa rin ako, feeling ko nandoon pa rin tayo sa Timbukto (Café) sa Malate.”
“Oo nga, sa Malate,” saad ng aktres.
Samantala, kinumpirma ni Claudine na babalik na siya uli siyang gumawa ng TV series dahil maluwag na ang oras niya dahil lahat ng mga anak niya ay nag-aaral na at hindi na niya kailangang bantayan pa.
Hindi pa nga lang alam kung saan network dahil inaaral pa ni Claudine at manager niya kung saan network siya gagawa.
“May mga hinahain, offers sana talaga matuloy ‘yung sa atin,” say ni Clau kay Gladys.
“Oo why not? Puwede rin naman sa ibang istasyon puwede rin naman dito sa NET25. Ma’am Wilma (Galvante). Ma’am Wilma is here in NET25,” say ng host sa aktres.
“Ninang ko ‘yun, si ma’am Wilma,“ tugon naman ng aktres.
“At kaya pala super happy si ma’am Wilma when she found out na eto magi-guest ka sa Moments., ma’am Wilma ito na (sabay turo kay Claudine), ha, ha, ha.”masayang sabi ni Gladys.
Ano naman ang nilo-look forward ni Claudine sa pagbabalik niya sa harap ng kamera?
“’Yung teleserye mas excited ako sa teleserye kasi nakagawa na ako ng movies, so mad excited talaga ako telederye,” kaswal na sabi ng mommy nina Santino, Sabina, Quiala at Noah).
Ang laki nga raw ng pagbabago ngayon dahil sa COVID-19 dahil may cut-off na ang mga artista.
“Tayo dati wala inaabot tayo ng umaga talaga 24 hours ang trabaho namin. Sabi ko nga mas spoiled ngayon ang mga artista at nagulat ako may mga acting coach talaga.
“Ha, talaga may acting coach? Naku hindi puwede kay Direk Wenn Deramas ‘yan saka kina Inang Olive Lamasan, Rory Quintos,”kuwento ni Claudine.
At tingin din ng aktres sa mga may acting coach ay hindi ‘raw’
“Yung rawness nawawala, pag masyado silang workshop nagiging technical na ‘yung acting nila hindi kagaya sa atin noon,” paliwanag ng premyadong aktres
Anyway, mapapanood ang kabuuan ng panayam sa Moments sa NET25 na in-upload nitong Linggo, Nobyembre 13.
Related Chika:
Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers
Claudine Barretto muling mapapanood sa GMA; Gil Cuerva intense ang acting sa ‘Love You Stranger’
Paano kinakaya ni Claudine Barretto ang pagiging single mommy?
Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan