Claudine Barretto muling mapapanood sa GMA; Gil Cuerva intense ang acting sa 'Love You Stranger' | Bandera

Claudine Barretto muling mapapanood sa GMA; Gil Cuerva intense ang acting sa ‘Love You Stranger’

Ervin Santiago |August 03,2022
facebook
share this

Claudine Barretto muling mapapanood sa GMA; Gil Cuerva intense ang acting sa ‘Love You Stranger’

Ervin Santiago - August 03, 2022 - 07:58 AM

Claudine Barretto, Gil Cuerva at Lexi Gonzales

MARAMI ang nagsasabing malaki na ang improvement sa ipinakikitang akting ngayon ng Kapuso hunk at TV host na si Gil Cuerva.

Base sa mga comments ng netizens, palaban na rin sa pag-arte sa harap ng mga camera si Gil na gabi-gabing napapanood bilang si Tristan sa “Love You Stranger”.

Hindi rin daw kasi nagpapatalbog pagdating sa bardagulang aktingan ang binata sa mga kasamahan niya sa Kapuso primetime series, lalo na sa mga lead stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Nitong Lunes nga ay bumuhos muli ang papuri para sa Kapuso star dahil sa intense na palitan ng mga linya ng mga karakter ni Tristan at ng kanyang amang si Alfredo dela Paz played by Tonton Gutierrez.

Plot twist kung plot twist talaga ang revelation na si Tristan pala ang nasa likod ng pagkawala ng aktres na si Coleen played by StarStruck Avenger na si Lexi Gonzales.

Say pa ng netizens, revelation daw talaga si Gil sa seryeng ito. May iba pa ngang nagsabi na ito raw marahil ang isa sa mga paborito nilang episode so far.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Guillermo (@gilcuerva)


Mismong si “Love You Stranger” lead actress Gabbi Garcia ay hindi napigilan purihin si Gil. Aniya, “Sooo proud of you friend @gilcuerva!!! so much growth as an actor!”

Na sinagot naman ni Gil ng, “Thank u friend, means a lot.”

Pero hindi pa nga tapos ang mga pasabog na revelation kaya naman tutok lang sa “Love You Stranger,” Lunes hanggang Huwebes after “Bolera” sa GMA Telebabad.

* *

Twenty years na ang “Wish Ko Lang” at ngayong Agosto ay may inihandang malalaking sorpresa ang programa ni Vicky Morales para sa loyal Kapuso viewers.

Dapat abangan ang line-up ng mga anniversary episode na pagbibidahan nina Bianca Umali, Sid Lucero, Tessie Tomas at Claudine Barretto. Tiyak na magaganda ang kuwentong kanilang isasabuhay.

Magiging bahagi rin sa 20th year celebration ng programa ang mga Kapuso singer na sina Hannah Precillas, Anthony Rosaldo, at Jessica Villarubin kasama pa si Ysabel Ortega.

Siyempre pa, hindi rin mawawala ang pagbibigay-katuparan sa mga kahilingan ng avid supporters ng Wish Ko Lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bawat Sabado nga, may chance pa ang viewers na manalo sa Instant Wish packages sa official Facebook page ng programa. Pwede na rin mapanood ang “Wish Ko Lang” sa livestream ng GMA Public Affairs social media accounts.

Pagsusuot ng sexy OOTD ni Gabbi aprub kay Khalil; laging hati sa pagbabayad ng bill kapag nagde-date

Gabbi humingi ng advice kina Julie, Ann, Barbie at Kyline; Cherie bugaw na ina sa #MPK

Hirit ni Mark kay Kris: Alam mo, dapat maging nanay ka na para hindi ka na maging magastos…puro ka bag!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending