Debbie Garcia nag-practice ng target shooting, sey ng netizens: ‘Kabahan ka na Barbie’

 Debbie Garcia nag-practice ng target shooting, sey ng netizens: 'Kabahan ka na Barbie'

USAP-USAPAN ngayon ang bagong post ng Vivamax sexy star na si Debbie Garcia sa social media.

Ibinahagi kasi nito sa kanyang Instagram account kahapon, Nobyembre 14 ang kanyang larawan at video clips kung saan siya ay nagpa-practice ng target shooting.

Makikita sa kanyang post na naka-focus sa goal si Debbie at talagang pursigido na matuto kung paano ang tamang paghawak at paggamit ng baril.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang naturang post ng sexy star mula sa mga netizens.

May ilan pa nga na nag-tag sa dating “Pinoy Big Brother” housemate at aktres na si Barbie Imperial.

“Kabahan ka na Barbie hahaha,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Barbie left the Philippines.”

Matatandaang noong Nobyembre 1 nang pumutok ang balita at pag-usapan ng madlang pipol ang diumano’y pananakit ni Barbie kay Debbie.

Nangyari ang insidente sa pagitan ng dalawa sa isang bar sa Quezon City noong October 28 ng madaling araw.

Matapos nga ang diumano’y sakitan sa pagitan ng dalawa ay agad na nagtungo sa police station sa Kamuning si Debbie upang ipa-blotter ang nangyari sa kanya.

Samantala, pormal na ring nagsampa ng kaso ang Vivamax star ng reklamong grave oral defamation, physical injury, at grave slander by deed laban kay Barbie sa Quezon City Prosecutor’s Office noong November 2.

Ayon sa mga kumakalat na chika, selos raw ang naging rason kung bakit umabot sa pisikalan ang dalawa dahil isa raw sa mga pinagselosan ni Barbie si Debbie noong magkarelasyon pa sila ni Diego Loyzaga.

Sa ngayon ay nananatili pa rin namang walang imik at tikom ang bibig ni Barbie hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Related Chika:
Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?

Debbie Garcia suportado ng Viva Artists Agency, naghain ng kaso laban kay Barbie Imperial

Debbie Garcia itinangging nagkaroon ng relasyon kay Diego, lumapit lang kay Barbie para bumeso

Read more...