Kim Chiu, Ryan Bang feeling lucky nang mapiling host ng ‘Dream Maker’; Top 7 magte-training sa South Korea
NAGSANIB-PWERSA ang ilan sa mga hinahangaang pangalan sa showbiz industry ng Pilipinas at Korea para sa kauna-unahang idol survival search sa bansa na “Dream Maker.”
Isa itong collaboration project ng ABS-CBN’s Starhunt, Korea’s MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc. na magsisimula na sa Nobyembre 19 (Sabado) at 20 (Linggo).
Magsisilbing gabay ng 62 dream chasers ang Pinoy mentors na sina Queen of Teleserye Themesongs Angeline Quinto, Now United member na si Bailey May at international performer na si Darren Espanto.
Sasamahan sila ng bigating Korean mentors na sina Seo Won-jin, Bullseye, MOMOLAND at Lapillus choreographer na si Bae Wan-hee, dating MBLAQ member na si Thunder; Brown Eyed Girls vocalist na si JeA, at choreographer at “Produce 101″dance mentor Bae Yoon-Jung.
Inanunsyo noong nakaraang linggo na magsisilbing hosts sa naturang collaboration ang former “PBB” big winner at Multimedia Idol Kim Chiu at Noontime Oppa na si Ryan Bang.
Dream come true naman para sa hosts na sina Kim at Ryan na mapili silang makasama sa collaboration project ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea.
View this post on Instagram
“Sobra akong nagpapasalamat sa tiwala at opportunity na ibinigay sa akin ng ABS-CBN for me to grow and learn at the same time.
“Ito na rin yung chance to show my supporters and lahat na kaya kong magtayo ng show na ito,” chika ni Kim sa naganap na presscon ng “Dream Maker” recently.
“Part of that also helps with how we see the Dream Makers or the Dream Chasers dahil galing din kami sa reality show,” sey pa ng actress-TV host.
“We also have a dream to be seen on TV, a dream to fulfill the needs of our family. Meron din kaming gusto maabot na pangarap. And, nakikita namin yun sa mga Dream Chasers na sumasali ngayon na nandoon talaga yung pagpupursige,” dagdag ng dalaga.
Para naman kay Ryan, “Gusto ko lang makatulong sa show. Natutuwa ako. Talagang itong Dream Maker, tama yung pangalan nu’ng show kasi matutupad yung mga pangarap ng Pilipino na gusto nila maging global icon. Hindi ito biro.”
“Dream Maker” will feature 62 young male hopefuls who will undergo rigorous training and showcase performances, in the hope of being included in the final group.
Sasailalim naman ang mapipiling top 7 contestants ng “Dream Maker” sa South Korea kung saan sila ilo-launch nang bonggang-bongga bilang grupo.
Mapapanood na ang pinakabagong reality talent show ng ABS-CBN sa darating na Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live.
Kim Chiu nape-pressure sa solong pagho-host: Ano kayang sasabihin ng ibang tao na nagdududa sa akin?
Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.