Kylie Verzosa nagpasalamat nang bonggang-bongga para sa huling pasabog ng 2022 | Bandera

Kylie Verzosa nagpasalamat nang bonggang-bongga para sa huling pasabog ng 2022

Armin P. Adina - November 13, 2022 - 12:23 PM

Kylie Verzosa

Kylie Verzosa/ARMIN P. ADINA

 

PAGKATAPOS tanggapin ang parangal bilang “Philippine Actress of the Year” sa Distinctive International Arab Festival Awards (DIAFA) sa Dubai, United Arab Emirates, para sa pelikula niyang “The Housemaid” noong isang linggo, agad na umuwi si 2016 Miss International Kylie Verzosa para sa isa pang pasabog sa kaniyang showbiz career.

Hinarap ng beauty queen-turned-actress ang mga kawani ng midya sa isang pagtitipon sa Cities Events Place sa Quezon City noong Nob. 10 para sa paglulunsad sa kanya bilang 2023 Tanduay Calendar Girl. “Oh my goodness it feels so good, it feels so great. I feel like it’s another dream come true of mine. And seeing the photos, you know, for the first time, parang ako ba talaga iyan?” bulalas niya.

“So sobrang nagpapasalamt ako sa Tanduay and my team for making this all happen,” pagpapatuloy pa ni Verzosa, na umaming nasa “better place” ngayon kung ang mental health niya ang pag-uusapan.

Kylie Verzosa

Kylie Verzosa/ARMIN P. ADINA

Nang sumali siya sa Binibining Pilipinas pageant noong 2016, mental health awareness ang isinulong niyang advocacy, isang bagay na marami pa ang hindi pamilyar noong panahong iyon. Ngunit nagpapasalamat siyang may mga sumunod pa sa kanya na ibinandera ito sa entablado.

“Over the past few years, I believe it has been improving, especially with the youth today. They accept depression and it’s widely spoken about. Anxiety is widely spoken about by the youth,” pahayag ni Verzosa.

“I’m glad that the youth has the courage to talk about mental health, and more parents are opening up and are more aware of the things that can happen to their sons or daughters, so mas malawak na po ang pag-iintindi natin sa mental health,” pagpapatuloy pa niya.

Kaya naman inialay din niya ang parangal na tinanggap niya sa Dubai para sa “mental health warriors,” at sa advocacy niyang Mental Health Matters.

Kung naging bongga ang taong ito para kay Verzosa, umaasa siyang higit pang magiging mayabong ang 2023 para sa kanya. “They say you reap the fruits of your labor, so I’m hoping for an even better year next year. But for this year, I am so, so grateful po,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending