Ellen Adarna, Derek Ramsay muling nagpakasal: ‘Thank you for changing my life…’

Ellen Adarna, Derek Ramsay muling nagpakasal: ‘Thank you for changing my life…’

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

FOR the second time around, nagpakasal ulit ang ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

‘Yan ay kasabay ng kanilang pamamasyal sa Peru upang ipagdiwang ang kanilang first wedding anniversary.

Isinagawa ang kanilang wedding noong November 11 at nagkaroon sila ng tinatawag na “Peruvian despacho ceremony.”

Ibinandera pa mismo ni Ellen ang ilang litrato ng kasal at proud na sinabing, “Today, we got married again (red heart emoji)”

Maraming netizens at kapwa-artista naman ang super happy sa dalawa at ilan lamang sa mga nagkomento ay sina Vina Morales, Ruffa Gutierrez, Vito Selma, at marami pang iba.

May hiwalay na post naman si Derek na ibinahagi ang isang video message na dedicated para sa kanyang misis.

Mapapanood sa video na lubos niyang pinasasalamatan si Ellen sa maraming bagay.

Kabilang na riyan ang ibinibigay niyang pagmamahal sa aktor at ang pagtupad sa isa niyang pangarap na makapunta sa Peru.

Saad ni Derek sa video, “Morning, baby. 11/11 it’s our anniversary, you’re in the toilet right now… But I just wanna say, thank you for changing my life, thank you for loving me, thank you for being who you are, thank you for this beautiful trip.”

Patuloy pa niya, “You know that this was in my bucket list and you gave me this. This is a beautiful gift that I am sharing with you. I’ve loved every single minutes and seconds of this trip, of this journey with you even if you are a b*tch last night.”

Napa-comment naman agad si Ellen at sinabing hindi niya alam kung siya raw ba ay maiiyak o matatawa sa IG post ni Derek.

Comment ng aktres, “Omg hahahah i dont know if i should be crying or laughing hauahauhaauhahaahahahhhuhuhahahah i lovee youu toooooooo sooo muchhhh”

Read more:

Derek Ramsay hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd Cruz: ‘But I love him like he’s my own’

Derek Ramsay at John Lloyd Cruz type makachurvahan ni Janelle Tee kung…

Ellen Adarna, Derek Ramsay ibinandera ang lambingan sa IG: ‘You want attention’

Read more...