Roxanne Barcelo excited na sa paglabas ng 2nd baby: It’s an experience I absolutely love!

Roxanne Barcelo excited na sa paglabas ng 2nd baby: It's an experience I absolutely love!

Roxanne Barcelo, Jiggs at Cinco

SUPER excited na ang actress-singer na si Roxanne Barcelo sa nalalapit na pagsilang ng ikalawang anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Jiggs.

Handang-handa na raw si Roxanne sa paglabas ng kanyang second child at ngayong nasa third trimester na siya ng kanyang pagbubuntis, mas lalo pa raw siyang nag-iingat para mapanatili ang pagiging healthy.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktres at celebrity mom ang mga kaganapan sa kanyang personal na buhay habang naghihintay ng kanyang due date.

“We are getting into the 3rd trimester of this pregnancy! Every morning, Cinco and Jiggs kiss my growing belly.

“I’ve had some nights of waking up to 2 babies kicking my tummy, one from the outside and one from the inside.

“It is an experience I absolutely love and will keep in my heart forever,” ang caption ni Roxanne sa kanyang IG post.


Kuntento na rin daw ang aktres kung anuman ang meron siya ngayon at nagpapasalamat siya sa dahil sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

“My joy revolves around my family and that has truly become the most fulfilling feeling ever. The heavens have granted what I have longed for all my life, all in His perfect time,” ani Roxanne.

Halos lahat ng nagkomento sa IG post ni Roxanne ay nangakong ipagdarasal ang maayos at ligtas na pangangank sa kanyang second baby.

Matatandaang ikinasal sina Roxanne at Jiggs noong 2020 at ngayong November nga ay magse-celebratre na nga sila ng third anniversary as married couple.

Noong May, 2021 naman ay isinilang ni Roxanne ang panganay nila ni Jiggs na si Cinco.

Noong August naman ay ibinalita ng aktres na aalis na siya sa Pilipinas kasama ang pamilya at sa Taiwan na maninirahan. Pero aniya, hindi naman niya tuluyang iiwan ang kanyang showbiz career.

Roxanne Barcelo, non-showbiz hubby magkaka-baby boy ulit: We’re pregnant!

Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan

Roxanne excited na ibinandera ang good news: We are having a beautiful boy!

Read more...