Kilalang female star biglang nawala sa eksena, buntis daw?

NAKATSIKAHAN namin ang TV host tungkol sa isang aktres na “nawawala” na naman ngayon kaya naniniwala siyang nasa “interesting stage” ito.

“Baka lumaki na ang tyanena (tiyan) ng lola mo at hindi na maitago? Dati kasi bago palang kaya naitago pa kasi hindi halata, e, ngayon halata na kaya cannot be reach na,” tumatawang sabi ng aming kausap.

Nabanggit pa na nakasabay daw ng TV reporter ang aktres sa isang mall na nu’ng nakita siya ay kaagad itong lumayo na kunwari’y may kausap sa cellphone habang palayo.

“Nakakaloka siya, hindi ko naman siya iinterbyuhin! Ha-hahaha! Wala ‘yung crew ko that time. Biglang nagmadaling umalis as if naman hahabulin ko siya?

“Baka siya ang maghabol at magpa-interview sa show pagkatapos ng lahat? Tigilan ako!” mataray na kuwento ng TV reporter na pinagkakatiwalaan ng lahat ng taga-showbiz.

Ang aktres na laman ng blind item namin ay paboritong topic sa umpukan ng showbiz reporters dahil nga sa mga pinaggagawa nito sa buhay niya.

“Pero nitong mga huling araw ay nanahimik siya kaya malakas din ang duda ng mga kasamahan namin sa trabaho na baka malaki na ang tummy niya kaya wala ring latest post sa social media accounts niya,” sey ng aming source.

Sabi pa pala ng TV reporter, “Lumamlam na ang career niya, hindi pa nga sumisipa nang husto.  Daig na siya nu’ng kasabayan niya.”

Well, abangan natin after ilang buwan kung ano ang next chika tungkol sa aktres na ito.

Read more:

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information

Read more...