HUBAD kung hubad at sex kung sex ang pinaggagawa ng dalawang Vivamax bombshell na sina Rob Guinto at Quinn Carillo sa latest movie nilang “Show Room.”
Mapapanood na ito sa Vivamax bukas, November 11, sa direksyon ni Carlo Gallen Obispo na unang pagkakataong sasabak sa paggawa ng sexy movie.
Bukod sa pagiging bida sa pelikula, si Quinn din ang sumulat ng istorya. Ginagampanan niya rito ang karakter ni Liezl na isang real estate agent na nakikipag-sex sa mga kliyente para makabenta.
Ganito rin ang role ni Rob sa movie kaya ang ending, nagpaligsahan sila ni Quinn sa paramihan ng mabebentang properties at ng mga customer na machuchurva nila.
Napanood namin ang “Show Room” sa ginanap na private screening nito noong Martes at talagang hindi lang sa hubaran at love scenes nagpatalbugan sina Quinn at Rob, super showdown din sila sa aktingan.
Sa naganap na presscon after ng screening, nabanggit ni Quinn na ito na ang pinaka-bold na movie na ginawa niya. Sey nga niya, “mula himpapawid hangang lupa” ang ginawa niyang mga sex scenes sa “Show Room.”
Inamin din ni Quinn na pinagalitan siya nang bonggang-bongga ng mentor niyang si Joel Lamangan nang malaman daw nito na tumodo siya sa paghuhubad sa bago niyang pelikula.
“‘Yung pagpapa-sexy pinagalitan ako ni direk Joel like totoong pinagalitan niya ako. At sinabi ni direk na next time haharangan na niya ako kapag nagpa-sexy pa ako. Pero may point naman siya. Pero kapag siguro with the right material I would fight for it naman. If the material calls for it,” aniya.
Ipinaliwanag din niya kung bakit niya ibinigay ang role ni Liezel sa kanyang sarili, “Super trusted ko naman si Direk Carlo and we talked kung paano iyong magiging process.”
“Tiniyak din ni direk Carlo and everyone in the production na I’m safe and comfortable on the set. At first siguro medyo nangangapa ako pero noong mga sumunod na okey na kasi sunod-sunod ang mga sexy scene.
“At ang unang kinunan sa akin ay iyong unang scene na napanood ninyo na sobra-sobra talaga ang ginawa ko. Ha-hahaha!” chika ni Quinn.
Pagpapatuloy pa niya, “Noong ginagawa ko ang istorya na ito for some reason, mas nakare-relate hindi naman naka-relate dahil na-experience ko iyong nangyari kay Liezl, ewan ko siguro may calling sa akin si Liezl.
“And it’s something na I want to do iyong bida-kontrabida role, eversince kaya rin siguro inilaban ko if I could play this part kasi I really want to and I know I can,” dagdag ng dalaga.
E, ano naman ang naging reaksyon ng nanay niyang si Len Carillo na siyang may-ari ng 3:16 Media Network na producer ng “Show Room” na tumatayo ring manager niya?
“Napanood naman niya siguro. Kung anong comment siguro ni mami it’s not really relevant kasi my work life is different from my personal life. And I’m old enough. Sa amin na lang dalawa siguro iyon kung ano man ang mga masasabi niya for that,” sabi ni Quinn.
Read more:
2 Vivamax bombshell nabiktima ng manyak; Angela Morena umaming minolestiya, nagdemanda