GOOD vibes at nakakaaliw ang latest YouTube vlog ng Team Kramer.
Ang kanilang panibagong kulitan ay pinamagatang “How well do you know your daddy?” na kung saan ay masusubok ang magkakapatid kung gaano nila kakilala ang kanilang ama na si Doug.
Caption pa nga sa video, “It’s time to put to the test how well Kendra, Scarlett and Gavin know their Papa!
“Here’s the Doug edition of How Well Do You Know Your Parents! Enjoy!”
Ilan lamang sa itinanong ni Chesca sa tatlong anak ay ang petsa ng birthday ni Doug, pati na rin ang favorite food, color TV show, at desert.
Bibong sumagot sina Kendra, Scarlett, at Gavin sa bawat tanong at tila nag-uunahan pa sa pagsagot.
Pero sa huli, ang nagwagi sa challenge ay ang panganay na si Kendra.
Nagpayo rin si Cheska sa kapwa-magulang na importanteng magkaroon ng bonding ang mga magulang sa kanilang mga anak na kung saan ay mapag-uusapan o ikukwento ang kanilang mga buhay.
Sey niya sa vlog, “It’s important for you to spend a lot of time with your children, and talk to them.”
Ani pa ni Chesca, “I mean, you know, these are like really trivial questions but sometimes diba these are the things that we miss out on talking about. This simple information.”
Tuwang-tuwa naman ang maraming netizens sa bagong vlog at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“Nakakatawa sila mas marami sila nasagot sa Daddy nila compared sa Mommy nila last time HAHAHHAHAHAHAHA..Pero siguro mas makwento Dad nila.”
“More like this content po… I really enjoyed it.”
“Abangers here! Team kramer is the best (red heart emoji)”
Read more:
Socmed sweetheart Scarlett Kramer silver medalist sa taekwondo; Chesca, Doug super proud parents
Kendra Kramer niregaluhan ng Rolex watch nina Chesca at Doug na nagkakahalaga ng halos P500k