Makulay na life story ni Bretman Rock isasalin sa libro, fans proud na proud: ‘You’ve come so far…can’t wait!’
MAY bagong pinagkakaabalahan ang beauty influencer na si Bretman Rock.
Mula kasi sa pagiging content creator, social media star, at beauty mogul, siya ay isa na ring book author!
Proud niyang ibinandera sa social media na may ilalabas siyang libro na tungkol sa kanyang buhay.
Ang title ng kanyang memoir ay “You’re That Bitch & Other Cute Lessons About Being Unapologetically Yourself.”
Sa isang Instagram post ay ibinahagi niya ang itsura ng kanyang book cover at ilang throwback photos.
Ibinunyag pa niya sa cpation ang kanyang tunay na apelyido kasabay ng petsa kung kailan niya ire-release ang libro.
Saad sa post, “Hello World (sparkles emoji) I would like you to formally meet Bretman Rock Sacayanan (blue heart emoji) 02/14/23 (yellow heart emoji)”
View this post on Instagram
Maraming tanyag na personalities at celebrities ang napa-comment sa upcoming project ng influencer at kabilang na riyan sina Bella Poarch, Bryan Yambao, at Eros.
Narito rin ang ilan sa mga komento ng kanyang fans na aming nabasa:
“Wow I don’t read books but I’ll be reading this one!!!”
“I wanna grow up to be just like you, and I’m 33.”
“You’ve come so far Bret!! Proud of you Bret (red heart emoji)”
“Inspo! Been rockin with you for a long time! Love you!”
Ang libro ni Bretman ay ilalabas sa February 14, 2023 at nilalaman nito ay ang kanyang mga essay, pati na rin ang kanyang never-before-seen photos.
Ikukwento rin ng social media star sa memoir ang kanyang naging buhay sa Pilipinas noong siya’y bata pa hanggang sa lumipat sa Amerika upang manirahan.
Read more:
Ariana Grande, Bretman Rock trending dahil sa viral post tungkol sa Eleksyon 2022
Pinoy internet star Bretman Rock may ‘alay’ sa lahat ng batang beki sa Pinas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.