Ilang kalsada sa Maynila magsasara para sa 2022 Bar exams, 'liquor ban' ipatutupad | Bandera

Ilang kalsada sa Maynila magsasara para sa 2022 Bar exams, ‘liquor ban’ ipatutupad

Pauline del Rosario - November 06, 2022 - 11:19 AM
Ilang kalsada sa Maynila magsasara para sa 2022 Bar exams, 'liquor ban' ipatutupad

File photo by RYAN LEAGOGO / INQUIRER.net

MAGSASARA ang ilang kalsada sa Manila upang mabigyang-daan ang isasagawang 2022 Bar examinations.

Inanunsyo ng Manila Public Information Office sa Facebook na ang road closures ay mangyayari sa November 9, 13, 16, at 20.

Magaganap ang exams sa De La Salle University at San Beda University, kaya asahan na malapit sa lugar na riyan ang mga isasarang kalye.

Narito ang listahan at oras ng road closure na ibinandera ng Manila PIO.

Malapit sa San Beda University

  • Mendiola Street – sarado mula 2 a.m. hanggang 8 a.m. at 4 p.m. hanggang 7 p.m.

  • Concepcion Aguila Street – accessible ang isang lane para sa mga sasakyan ng mga residente sa lugar.

  • 1st, 2nd, 3rd, and 4th Street – hindi pwede daanan mula 2 a.m. hanggang 7 p.m.

  • Ang alternatibong ruta mula sa Ramon Magsaysay Boulevard ay dadaan sa Legarda Street

Malapit sa De La Salle University

  • Taft Avenue Northbound – sarado simula 2 a.m. hanggang 8 a.m. at 4 p.m. hanggang 6 p.m.

  • Taft Avenue Southbound – hindi pwede daanan mula 2 a.m. hanggang 7 p.m.

Nagbabala din ang Manila PIO na inaasahang magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa mga nabanggit na petsa.

Bukod pa riyan, nag-anunsyo din ang lokal na pamahalaan ng “liquor ban” na ipapatupad within 500-meter radius ng San Beda University, Mendiola Manila, at De La Salle University, Taft Avenue, Manila.

Narito ang listahan ng petsa at oras kung kailan epektibo ang liquor ban:

  • November 08, 12MN – November 09, 10PM

  • November 12, 12MN – November 13, 10PM

  • November 15, 12MN – November 16, 10PM

  • November 19, 12MN – November 20, 10PM

Ipinagbabawal din sa nasabing mga lugar at petsa ang malalakas at nakakaistorbong ingay gaya ng videoke, karaoke, at speakers.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagyong Paeng 3 beses nang nag-landfall sa Luzon, nagbabadyang lumapit sa Metro Manila

63 sugatan sa magnitude 6.4 na lindol sa Abra, pagyanig umabot sa Metro Manila 

Cosmo Manila King & Queen 2022 candidates rumampa sa harap ng press nang naka-bikini; nagpatalbugan din sa Q&A

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending