Marikit Manaois ng Baguio kinoronahang AFDQ 2022 | Bandera

Marikit Manaois ng Baguio kinoronahang AFDQ 2022

Armin P. Adina - November 06, 2022 - 11:00 AM

liwan Fiesta Digital Queen 2022

IMAGE: ALIWAN FIESTA FACEBOOK PAGE

 

MANILA, Philippines—Dinaig ni Marikit Manaois mula Baguio City and 11 iba pang kalahok upang makoronahan bilang Aliwan Fiesta Digital Queen (AFDQ) ngayong taon sa isang virtual competition na napanood sa Aliwan Fiesta Facebook page noong Nob. 5.

Nanaig ang Luzon sa patimpalak sapagkat hinirang namang first runner-up si Maica Cabling Martinez mula sa Nueva Ecija, at second runner-up naman si Sophia Noreen Guillermo mula sa Ilocos Norte.

liwan Fiesta Digital Queen 2022

IMAGE: ALIWAN FIESTA FACEBOOK PAGE

Sa pagkakahirang kay Manaois bilang AFDQ, naigawad na ng patimpalak ang korona sa mga kandidata mula sa tatlong major island groups ng bansa. Mula sa Mindanao ang reyna ng 2020 na si Jannarie Zarzoso na taga-Cabadbaran sa Agusan del Norte, habang mula naman sa Visayas ang nagwagi noong 2021 na si Shanyl Kayle Hofer na taga-Minglanilla sa Cebu.

Tinanggap ni Manaois ang premyong P50,000, na may katumbas na halaga para sa napili niyang charity program, at bakasyon para sa dalawa sa Feliz Hotel Boracay, kasama ang biyahe sa eroplano at pocket money.

Maliban sa korona, tinanggap din ni Manaois Palmolive Naturals #GandangNatural award at ang titulong Miss Charm, habang humakot naman si Martinez ng sandamakmak na mga parangal—ang Miss White Rose Papaya, Best in Talent, Pride of Place Citation, Best Digital Video Production, at Netizen’s Choice.

liwan Fiesta Digital Queen 2022

IMAGE: ALIWAN FIESTA FACEBOOK PAGE

Unang isinagawa ng Manila Broadcasting Co. (MBC) ang virtual competition noong 2020 upang maipagpatuloy ang “Aliwan Fiesta” kahit habang binubuno ng mundo ang COVID-19 pandemic. At sa patuloy na pag-iral ng pandiaigdigang krisis pangkalusugan, nagkaroon pa ng dalawang online editions ang patimpalak, pinakahuli nga ang ikatlong pagtatanghal.

Sinabi ni MBC PR consultant Susan Isorena-Arcega sa Inquirer sa isang naunang panayam na naghahanap ang AFDQ ng reynang may “potential to host, to be a product endorser, to compete nationally, and to be of real service to the community.”

Ibinahagi rin niyang virtual muli ang patimpalak ngayong taon sapagkat “we are being very careful in light of the new resurgence of COVID-19 cases. And being a major media entity, it behooves us to always carry our mantle of responsibility.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending