Ian Veneracion ‘lodi’ ng mga netizens sa pakikipagrelasyon: Madaling maging babaero, madaling mambabae pero…

Ian Veneracion 'lodi' ng mga netizens sa pakikipagrelasyon: Madaling maging babaero, madaling mambabae pero...

LABIS na hinahangaan ng mga netizens ang aktor na si Ian Veneracion dahil sa pananaw nito sa pakikipag-relasyon.

Sa kanyang panayam sa “Pika Pika” ay natanong siya kung kumusta na ang kanilang relasyon ng misis na si Pam Gallardo na kasama niya for 25 years.

Pag-amin ni Ian, hindi perpekto ang kanilang relasyon at tulad rin ng ibang mag-asawa ay nagkakaroon rin sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit sa huli sy pinipili nila itong maiayos.

Pagbabahagi pa niya, sa kabila ng pagiging talamak ng tukso sa kanyang paligid dahil na rin sa industriyang kinabibilangan ay successful pa rin siya sa pag-iwas sa tukso.

Aniya, wala naman daw siyang makukuha kung magpapatangay siya sa tukso at ito rin ang lagi niyang paalala sa mga anak.

“I think it went viral… a conversation with my son, sinabi ko na, ‘Madaling maging babaero, madaling mambabae. Pero kapag nahanap mo ’yung para sa’yo, it takes a real man to be faithful in a relationship. There’s nothing cool about being babaero,’” pagbabahagi ni Ian.

Hindi na rin naman kataka-taka kung lapitin ng tukso si Ian dahil talaga namang gwapo ito mula noon at kahit nga tumanda na ito ay hindi maipagkakailang gwapo pa rin ito.

Kaya nga maski ngayon ay in-demand pa rin ito bilang leading man mapa-teleserye o pelikula.

At dahil nga sa pagiging faithful at loyal ni Ian ay hindi mapigilan ng mga netizens ang mapa-sana all sa aktor.

“Iyan ang tunay na guwapo! Yung iba riyan, mukha namang tukmol, pero ang lakas ng loob magloko. Duh?” comment ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “Yung may K nga na maging babaero hindi niya ginagawa eh, ‘yan pa kayang mukhang mga kuko lang sa paa ni Ian? Makinig kayo!”

Nakatakda namang muling mapanood ang aktor sa isang Metro Manila Film Festival entry na mapapanood sa Disyembre 2022.

Bibida si Ian sa pelikulang “Nanahimik Ang Gabi” bilang isang sugar daddy ng karakter na gagampanan ng aktres na si Heaven Peralejo.

Related Chika:
Ian Veneracion sa pagsabak sa politika: Gusto kong mag-ipon ng kaibigan, hindi kaaway…OK na ako sa simpleng buhay

Ian Veneracion hindi takot mamatay: ‘I don’t have issues with death’

Ian Veneracion nakakalimutan minsan ang tunay na edad

Read more...