Ian Veneracion nakakalimutan minsan ang tunay na edad | Bandera

Ian Veneracion nakakalimutan minsan ang tunay na edad

Armin P. Adina - October 30, 2022 - 03:42 PM

Ian Veneracion

Ian Veneracion/ARMIN P. ADINA

 

APAT na dekada nang artista si Ian Veneracion, nagsimula bilang isang child star. Aktibo pa rin sa show business, minsan “nakakalimutan” na niya kung ilang taon na siya.

“Sinasabihan ako ng mga anak ko, ‘dad hindi ka na bata,’ kasi ginagawa ko pa rin ang mga ginagawa ko noong 20s ako,” sabi ng 47-taong-gulang na aktor sa media conference ng bago niyang digital miniseries na “One Good Day” sa ballroom ng Seda Vertis North sa Quezon City noong Okt. 21.

Bumibiyahe pa rin siya nang malayo sakay ng motorsiklo, at nagma-martial arts pa rin, na napakinabangan niya sa pagbabalik niya sa paggawa ng aksyon para sa ika-40 anibersaryo niya sa industriya.

Ibinunyag pa niyang siya mismo ang gumawa ng lahat ng stunts niya para sa six-part miniseries na mapapanood sa streaming platform na Prime Video simula sa Nob. 17. “Kaya pa, kaya pa,”sinabi niya sa mga manunulat sa conference.

Ian Veneracion (kaliwa) at Director Lester Pimentel Ong

Ian Veneracion (kaliwa) at Director Lester Pimentel Ong/ARMIN P. ADINA

Ibinahagi ng direktor na si Lester Pimentel Ong na sinagasaan ng kotse si Veneracion, pinatalon sa apoy at nagpagulong-gulong para sa proyekto.

“For safety, I wanted a stuntman to do it. He (Veneracion) saw the stuntman do it. Then he said ‘I can do better,’” aniya.

“I’m just surprised I’m busier now than before,” ani Veneracion.

Sinasalaysay sa “One Good Day” ang kuwento ng isang retiradong hitman, si Dale Sta. Maria na ginagampanan ni Veneracion, na napilitang gumawa ng isang huling misyon kasunod ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay.

Ito ang unang digital series na streaming sa isang global platform na kinunan nang buo sa Iloilo City. Maliban sa Pilipinas, mapapanood din ang “One Good Day” ng Prime Video subscribers sa Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Laos, at Cambodia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tampok din sa “One Good Day” sina 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves, Kapuso star Andrea Torres, Menchu Lauchengco-Yulo, Aljur Abrenica, Justin Cuyugan, Pepe Herrera, Robert Seña, at ang beteranong aktor na si Joel Torre.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending