#LoveWins: Miss Grand International 2020 finalists Fabiola Valentin, Mariana Varela ikinasal na!

#LoveWins: Miss Grand International 2020 finalists Fabiola Valentin, Mariana Varela ikinasal na!
TALAGA namang pinatunayan nina Miss Grand International 2020 Top 10 finalists na sina Fabiola Valentin (Puerto Rico) at Mariana Varela (Argentina) na love wins!

Na-surprise nga ang lahat sa pageantry world matapos ang kanilang announcement ng pagpapakasal na nangyari noong October 28, 2022 sa Puerto Rico.

Ito nga ay ibinahagi nina Fabiola at Mariana sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Pagbabahagi ni Miss Grand Puerto Rico, isang taon rin nilang inilihim ang kanilang relasyon bago nila ito inamin sa malalapit nilang kaibigan.

“After deciding to keep our relationship private, we opened the doors to them on a special day. 10/28/22,” caption ni Fabiola na translated into English.

Kaya naman labis ang sorpresa ng lahat nang aminin nila ang kanilang pagmamahalan ni Mariana sa araw mismo ng kanilang kasal.

Kalakip ng post ni Fabiola ang isang video kung saan makikita ang mga moments ng dalawa na magkasamang nagbabakasyon, pagtatampisaw sa beach, engagement at ng kanilang pagpapakasal.

Masaya naman ang buong Miss Grand International organization sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

“Congratulations to both of you.
MGIO always support ‘LOVE’ without boundaries [heart emoji],” pagbati ng MGI organization.

Nagkalaban noong March 2021 sina Fabiola para sa korona ng Miss Grand International 2020 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Pasok ang dalawa sa Top 10 kasama ang mga kandidata ng Czech Republic, USA, Guatemala, Thailand, Brazil, Indonesia, Malaysia, at ang representative ng Pilipinas na si Samantha Bernardo.

Naganap naman ang kasal nina Fabiola Valentin at Mariana Varela sa Centro Judicial de San Juan sa Puerto Rico.

Related Chika:
2021 Miss World PH Tracy Perez umaming nawalan ng tiwala sa sarili; bitbit ang payo ni Megan Young

Tracy Perez balik-Puerto Rico para makuha ang ika-2 Miss World crown ng Pinas; 2 pang Pinay beauty queen lalaban din

Tracy Perez pasok na sa 2021 Miss World Top 30; tinawag na ‘Queen B’ si Beatrice Gomez

Read more...