NAKAKALOKA ang ilan sa mga rebelasyon ng Kapuso aktor na si Ruru Madrid kasabay ng kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz industry.
Na-interview ng mga komedyanteng sina Boobay at Pepita Curtis ang aktor sa isang segment nila sa “Kalurks” at doon lantarang sinagot ni Ruru ang tungkol sa kanyang career, love life at marami pang iba.
Kabilang sa mga naikwento ng aktor ay kung bakit niya pinasok ang pag-aartista.
Sinabi niya na dahil ito sa aktres at girlfriend na si Bianca Umali.
Kwento niya na tila na-love at first sight siya kay Bianca noong una niya itong nakita sa kanyang eskwelahan upang mag-taping sa informative TV show na “Tropang Pochi.”
Hindi pa raw siya artista noon at batang-bata pa.
Chika niya, “The first time na nakita ko si Bianca, nine years old palang yata siya, and then ako, parang grade five yata ako.
“Nagpunta siya sa school namin, yung Tropang Pochi nagpunta sa school namin tapos nakita ko si Bianca, grade five ako, sabi ko, ‘Ang ganda naman nito.”
Dagdag pa niya, “Tapos gustung-gusto ko maging artista kasi gusto ko siya maka-partner.
“‘Yun yung parang naging motivation ko nung mga panahon na yun para maging artista ako.”
Apat na taon nang may relasyon ang dalawa at sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sila sa isang drama series.
Samantala, umamin din si Ruru na muntikan na niyang bitawan ang kanyang acting career noong nakaraang taon dahil wala siyang nakukuhang mga proyekto.
Kwento niya, “Last year masasabi kong worst year sa career ko.
“Ang dami kong pinagdaanan, umabot dun sa point na gusto ko na lang sumuko, ayoko na mag-artista.”
Anya, “Noon, nung time na last year, gusto ko na lang sumuko and iniisip ko, bakit walang nangyayari sa akin parang ang tagal?”
Pero agad naman niyang sinabi na isa lang pala ‘yun sa mga pagsubok niya para mas maging matibay.
“I realized na kailangan ko pala siya pagdaanan para maging mas matibay ako, para mas maging matatag ako,” sey niya.
Nag-umpisang sumabak sa showbiz ang aktor noong 2012 nang salihan ang GMA reality show na “Protege.”
At pagkatapos niyan ay naging sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto.
Ilan sa mga kinatampukan niyang TV show ay ang “Encantadia,” “I Can See You,” “Naku, Boss Ko!,” “Lolong,” “The Lost Recipe,” “Running Man,” at marami pang iba.
Read more:
Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife