HINDI napigilian ni Belle Mariano na maluha nang mapanood ang full trailer ng pelikula nila ni Donny Pangilinan na “An Inconvenient Love” na idinirek ni Petersen Vargas at mapapanood na sa sinehan sa Nobyembre 23 handog ng Star Cinema.
Aniya, “Naalala ko kasi lahat ng pinagdaanan namin sa shoot and everything and now kinikilig ako Direk, I’m proud of that. Tears of joy ang ganda ng trailer.”
Hiyawan to the max din ang supporters ng DonBelle na dumalo sa mediacon sa Dolphy Theater nitong Oktubre 28.
Natanong sina Donny at Belle kung kaya nilang i-sacrifice ang love dahil sa pangarap nila.
Unang sumagot si Donny, “Hindi puwedeng magmahal ka and naiwan mo lahat ang pangarap mo and same goes with the other person as well kasi at the end of the day malalaman mo sa sarili mon a parang may kulang na ganu’n.”
“I don’t think you have to choose!” sagot ni Belle. “I think you can live the best of both worlds kasi po if the person truly loves he allows you to grow and reach those dreams.”
Balik-tanong kay Donny kung magpaparaya siya sa kanyang minamahal kung may opportunity na umangat ang career pero ang kapalit ay maghihiwalay sila. Ito ang karakter na ginagampanan niya as Manny sa “An Inconvenient Love”.
“Kung sa ikabubuti niya at mahal ko siya, bakit hindi?” sagot ng aktor.
Ano ang ending sa pagpaparaya niya, “obviously kung mahal mo siya you’d want after she finds herself to go back how it used to be.”
Si Belle naman bilang sa karakter niyang si Ayef ay kailangan niyang mamili, lovelife o career, ano ang pipiliin.
“I think love and career as Ate Maxene (Magalona) said, can go hand on hand. You don’t have to choose one kasi I think puwede mo naman pagsabayin, di ba? I think eventually final balance,” katwiran ng aktres.
Smaantala, halos lahat ng supporters na umiidolo sa mga paborito nilang love teams ay gusto nilang magkatuluyan na talaga at kasama ang DonBelle doon.
Ano ang take nina Donny at Belle rito?
“I think both of us naman were very genuine of what we show, what you see is what we have on and off cam,” mabilis na sagot ng dalaga.
“We don’t really think of what also people think is more of what really we have each other as well,” say naman ng aktor.
Kabilang na sa Gen Z generation ang DonBelle kaya natanong kung paano sila magkagustuhan ngayon, titigan lang ba ay ‘sila na’ o wala ng pormal na usapang ‘tayo na.’
Hindi applicable kay Belle ang ganito dahil conservative pa rin siya.
“Well, ako kasi personally I’m very traditional type of girl gusto ko ‘yung pinupuntahan ako sab ahay. And I can’t speak of my generation kasi we fall in love differently. Gusto ko (talaga) ‘yung traditional way,” katwiran nito.
Si Donny naman ang napansin niya sa generation ngayon ay lahat nasa social media na, “mas gusto convenient na everything is there na sometimes is not a good thing. Gusto ko rin po (dumadalaw) with flowers, sinusulatan.”
Ilang beses nang nakadalaw si Donny sa bahay nina Belle.
“May mga times na naghe-hello ako kay Tita Kat (mommy ni Belle). There are times also na even with my family and she (Belle) go to the beach. May mga ganu’n, we do a lot of activities together sobrang cool lang na game si Belle sa lahat ng ‘yun,” pag-amin ng binata.
Read between the lines sa mga sagot ng DonBelle na close na sila sa pamilya ng isa’t isa at madalas na ring magkasama sa out of the country shows ay imposibleng hindi sila magka-developan.
Anyway, excited at the same time ay kabado ang cast ng An Inconvenient Love headed by DonBelle kasama sina JC Alcantara, Iana Bernardez, Chino Liu, at Maxene kasama na rin si direk Petersen dahil ang pelikula nila ang unang pelikulang mapapanood sa mga sinehan sa Nobyembre 23 pagkalipas ng dalawang taon handog ng Star Cine,a
Hindi lang sa Pilipinas mapapanood ito kundi sa US, Canada, Guam, Australia, New Zealand, Europe, Middle East, Singapore, Hongkong, Malaysia, Brunei, Cambodia at Nigeria.
Related Chika:
Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?
Maxene puring-puri sina Belle at Donny: They are very authentic, walang kayabang-yabang
Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud