NAGLIBOT ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kasama ang kaibigang si Lassy Marquez sa loob ng kanyang tinitirhang subdivision.
Sa kanyang latest vlog ay napagdesisyunan niyang magbahay-bahay upang sukatin kung gaano ka-generous ang kanyang mga mayayamang neighbors.
Pagkukwento kasi ni Vice, noong bata siya ay may kultura siyang kinalakihan sa Tambunting, Manila kung saan nagbibigayan silang magka-kapitbahay.
“Naalala ko dati noong bata ako, kunyari magluluto ‘yung nanay ko tapos kulang ‘yung sangkap, sasabihin niya sa akin, ‘Kumatok ka nga kay Aling Miding, manghiram ka nga ng ano’.
“Kahit hindi naman maibabalik, ang salita hiram. ‘Manghiram ka nga ng mantika. Manghiram ka nga ng toyo’. Parang kaswal na kaswal doon sa lugar namin ‘yung nanghihingian… tapos madali lang magpahiram at magbigay ng mga sangkap… parang ang generous ng lahat,” pagbabahagi ni Vice.
Kaya naman naisip niyang gawin na magbahay-bahay at manghingi sa mga kapitbahay upang malaman kung parehas lang ba sa bago niyang tinitirhan ngayon sa dati niyang kinalakihan.
“Mababait ‘yung mga tao rito. Noong dumating nga ako dito, noong bagong lipat nga ako nagpadala sila ng mga cake… mababait rin talaga sila pero wala pa ako noong relationship with them unlike sa Tambunting,” saad pa ni Vice.
Naisip nga ng “It’s Showtime” host na subukin ang mga kapitbahay at magluluto sila ng Chicken and Pork Adobo mula sa mga mahihingi nilang recipe sa kanyang mga unkabogable neighbors.
“Feeling ko ‘yung mga tao dito, mayroon silang mga stocks. Tignan natin kapag kumatok tayo, bibigyan nila tayo,” sey pa ni Vice.
Nagsimula na ngang maglakad lakad ang magkaibigang komedyante at sa una nga ay nahiya pa ang dalawa sa panghingi ng mga kakailanganin nila.
Umpisa pa lang ay napatunayan na agad ni Vice Ganda na talagang mapagbigay ang kaniyang mga kapitbahay.
Nadaanan pa nga rin sila sa pamamahay ng yumaong dating senador na si Mirriam Defensor-Santiago.
Naging magiliw naman ang kanyang mga kapitbahay at talagang naging generous ang mga ito dahil nakumpleto niya ang lahat ng ingredients para sa kanilang lulutuhing adobo.
“So ayun guys, nakumpleto na namin ang mga ingredients sa lulutuin naming special chicken-pork adobo with egg. Napakabait ng aming mga neighbors, walang sabi-sabi, walang pag-aalinlangan, agad-agad [namigay],” lahd ni Vice.
Dagdag pa niya, “Nakakatuwa lang na ma-experience ulit ‘yung sense of community kasi ‘yun ang talagang kinalakihan ko… and ang laki ng naging bahagi nun sa pagkatao ko.”
Napatunayan rin ni Vice na talagang bukal sa mga Pilipino ang pag-share sa kanilang mga blessings.
Matapos ngang makapagluto nina Vice ay nagtungo sila sa mga gwardiya na siyang nangangalaga sa kanilang subdivision.
Talaga namang nasarapan ang mga guards sa kanilang handog na pa-dinner mula sa mga pinagsama-samang ingredients mula sa kanyang mga kapitbahay.
Related Chika:
Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!
Pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda, Ivana Alawi at Cathy Garcia sa MMFF 2022 tuloy na tuloy na
Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda
Paolo Contis natanggap na ang request na adobo: Thank you babikwoooh!