Lolit Solis feel na feel ang pagmamahal ng mga artista, pinaulanan ng ‘love envelopes’

Lolit Solis feel na feel ang pamamahal ng mga artista, pinaulanan ng 'love envelopes'
FEELING grateful ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa kanyang natatanggap na pagmamahal sa mga celebrities na nagbibigay tulong sa kanyang pagpapa-dialysis.

Ibinahagi nga niya sa kanyang Instagram page ang mga celebrities na patuloy siyang tinutulungan financially sa kanyang hospital expenses.

“Naku Salve feeling charity patient na ako ha. Sa dami ng mga nagpapadala ng love envelope at pledge para sa dialysis ko, para bang iniisip ko ang dami pala talaga ng nagmamahal sa akin,” panimula ni Manay Lolit.

Naloka nga raw siya dahil noong Sabado, October 29, lahat raw ng mga pinuntahan niyang press conference ay naglaan ng “special love envelope” para sa kanya.

Sa katunayan, nagpaabot ng tulong kay Manay Lolit ang ina nina Toni at Alex Gonzaga na si Mommy Pinty.

Maging sina Jomari Yllana at Abby Viduya ay nagbigay suporta rin sa kanya at idinaan ito kay Salve de Asis.

Pati na nga rin ang may-ari ng Beautederm na si Rhea Tan ay tumawag para magpadala sa kanyang GCash account dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa.

Pagkukwento pa ni Manay Lolit, “Feeling ko tuloy talagang may fund raising para sa akin… Ito siguro ang sinasabi nila na good karma Salve at Gorgy.”

At talaga namang kahit hindi niya inaasahan ay patuloy ang pagbuhos ng tulong para sa kanyang paggaling.

“Iyon mga panahon na hindi mo inaasahan, duon darating ang grasya sa iyo. Talagang punong puno ang puso ko sa pasasalamat. Tutoong dahil sa pagmamahal na nadarama ko parang mabilis ang aking paggaling. Thank you. Forever grateful,” pasasalamat pa ni Manay Lolit.

Samantala, una na ngang nagpahatid ng pinansyal na tulong sa kanya si Gretchen Barretto.

Sa katunayan, kumalat sa social media ang video post ni Salve kung saan ibinabandera ni Manay Lolit ang perang ibinigay sa kanya ng dating aktres.

“Hiya ako Gretchen Barretto at Ana Abiera dahil pumayag ako na ilabas mo photo ng vacuum packed 100K. Gusto ko lang naman makita iyon ng inggitera at malaman niya na balak ni Gretchen Barretto na instead of Lovebox gaya last year ay cash na lang ang ibigay na Pamasko sa lahat ng mahal niya,” pagbabahagi ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Bongga talaga si Gretchen Barretto magpasabog, wala talaga makapantay sa ginagawa niya. Imagine mo na iyon LoveBox siya lang talaga sa history ng showbiz ang nakabigay ng ganuon. Halos buong showbiz nabigyan niya na never nagawa ng kahit sino.”

Matatandaang noong nagdaang Pasko ay nagpamahagi ng love boxes si Gretchen sa lahat ng mga taga-showbiz industry gaya ni Manay Lolit bilang regalo at tulong na rin habang nasa kasagsagan pa rin ng pandemya ang bansa at hindi pa masyadong nagbabalik sa normal ang operasyon sa entertainment industry.

Related Chika:
Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Lolit Solis sa pagkaka-expelled sa PAMI: Feeling elementary student ako bigla

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Read more...