Nanay ni Daryl Ong pumanaw na: Ganito pala ang pakiramdam mawalan ng ina…

Nanay ni Daryl Ong pumanaw na: Ganito pala ang pakiramdam mawalan ng ina...

Daryl Ong at ang kanyang pumanaw na ina

NAGLULUKSA ngayon ang singer na si Darryl Ong dahil sa biglang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina.

Ibinahagi ni Daryl ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang social media accounts kalakip ang mga litrato nila ng kanyang nanay.

Mensahe ng OPM hitmaker sa sumakabilang-buhay na ina, “I never thought na mawawalan ako ng nanay ng ganito kaaga sa buhay…

“My life will NEVER be the same without you. I will miss you terribly, until I see you again one day, in heaven. No more pain Mami. I love you so much,” pag-amin pa ni Daryl.


Sa isa pa niyang Facebook post, sinabi rin ng singer-performer na hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ngayong iniwan na siya ng ina.

“Ganito pala ang pakiramdam mawalan ng ina. Walang salita ang makapag papaliwanag ng sakit.

“Ang tanging iisipin ko nalang ay at least wala ka ng dadanasing paghihirap at karamdaman Ma. Mahal na mahal kita Mami,” pahayag pa ni Daryl.

Bukod sa pakikiramay ng kanyang mga fans at social media followers, nag-iwan din ng mensahe sa comments section ang ilang celebrities hinggil sa pagpanaw ng nanay ni Daryl.

“Mahigpit na yakap bro,” ang pakikiramay ni Erik Santos.

Pahayag naman ni Kyla, “Sending my deepest sympathies and condolences, kapatid.”

Sabi ng kaibigan niyang si Kris Lawrence, “Mahigpit na yakap bro Da…sending love and comdolences.”

“I know the feeling bro… Yung kahit sino walang makakapagcomfort sayo… Ganon yung naramdaman ko dati… But time will heal you bro… Will pray for you and your family bro,” ayon kay Thor Dulay.

Ito naman ang message ni Mark Bautista, “My condolences bro.”

“Condolence, Da. Prayers for you and the entire family,” ang pakikiramay ni Jed Madela.

“So sorry for your loss Daryl, our sincere condolences,” mensahe naman ni Richard Yap.

Sinagot naman ni Daryl ang mga nakikiramay sa kanilang pamilya. Aniya, “Malaking bagay sa akin ang inyong pakikiramay.. salamat.”

Daryl Ong nalagasan ng followers matapos ipakita ang tunay na ‘kulay’: No matter what, nirerespeto ko po kayo

Daryl Ong nag-propose sa GF habang nagba-vlog: Wag kang mag-alala hindi ito prank!

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

Read more...