Maxene Magalona iniwan na ang bahay nila ni Rob Mananquil, lumipat sa sariling apartment: ‘Move on, move out and move forward’

Maxene Magalona iniwan na ang bahay nila ni Rob Mananquil, lumipat sa sariling apartment: 'Move on, move out and move forward'

Maxene Magalona

HANDANG-HANDA nang magsimula muli sa kanyang single life ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona sa kanyang bagong apartment.

Ibinalita ng aktres sa madlang pipol na nakaalis na siya sa bahay nila ng dati niyang asawang si Rob Mananquil at nakakuha na ng bago niyang tirahan.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Maxene ang ilang eksena sa ginawa niyang paglilipat kasama ang ilang mga kaibigan na involved sa proseso ng “lipat-bahay.”

“Finally moved out of my marital home and into my own apartment,” simulang pahayag ni Maxene sa kanyang IG post.

“Thank God for living angels such as Ms. Isa Guico Reyes and her lovely team led by senior organizer Isay as well the kind kuyas of @transportifyphilippines for helping me practically get my life together with this move.


“I am forever grateful for the beautiful energy we created and shared together.

“We played and sang our hearts out to sad love songs while packing my things and then enjoyed a meal of plant-based burgers,” chika ng aktres na super excited na sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang single lady.

Mensahe pa niya sa kanyang social media followers hinggil sa usapin ng pagmu-move on at pagiging malaya, “Move on, move out and move forward. When something ‘negative’ is happening in your life, approach the situation with love and kindness. God is with you every step of the way.

“To my fellow single ladies and gents out there, let’s get moving!” paalala pa ng panganay na anak ng yumaong Master Rapper at OPM icon na si Francis Magalona.

Samantala, sa isa pang post ni Maxene, pinayuhan din niya ang mga taong natatakot pa ring magpakatotoo sa harap ng ibang tao. Maging “makasarili” raw pagdating sa pagprotekta sa kapayapaan ng ating kaisipan.

Aniya, “Start showing up for yourself. Be selfish at protecting your peace. Set boundaries. Be private.

“Say no when you need to. Stay true. Evolve unapologetically. Refuse to accept negativity. Don’t try to match energy. Vibe with yourself. Smile often for no reason. Trust the process,” ang advice pa ni Maxene Magalona.

Heart Evangelista bumili ng bagong apartment, hindi muna babalik ng Pilipinas

KC naghahanap ng apartment sa US, matatagalan pa ang pagbabalik sa Pinas…bakit kaya?

Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy

Read more...