Misis ni Andrew Schimmer patuloy na lumalaban kahit comatose: Hindi po humihinto ang kanyang katawan, puso at kaluluwa... | Bandera

Misis ni Andrew Schimmer patuloy na lumalaban kahit comatose: Hindi po humihinto ang kanyang katawan, puso at kaluluwa…

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Misis ni Andrew Schimmer patuloy na lumalaban kahit comatose: Hindi po humihinto ang kanyang katawan, puso at kaluluwa…

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 12:03 PM

Misis ni Andrew Schimmer patuloy na lumalaban kahit comatose: Hindi po humihinto ang kanyang katawan, puso at kaluluwa...

Jho Rovero at Andrew Schimmer

COMATOSE na ang asawa ng aktor at model na si Andrew Schimmer kaya naman muli siyang nagsusumamo sa publiko na patuloy na ipagdasal si Jorhomy “Jho” Rovero.

Nagbigay ng update si Andrew hinggil sa kundisyon ngayon ng  kanyang misis sa pamamagitan ng Facebook at dito nga niya nabanggit na isang taon na itong nakikipaglaban sa iba’t ibang karamdaman.

Nag-post ang aktor ng latest photo ni Jho at talaga namang kaawa-awa ang kalagayan nito.


“Good morning po mga kapatid, today is October 31, later after midnight November 1 ka isang taon po ng atake ng aking asawa ng 3am…GUYS PLEASE HELP ME PRAY FOR HER (crying hearts and praying emojis).

“Nawa’y bigyan po sha ng ating panginoon ng lakas para malampasan nya po ang mga pagsubok na ibibigay po sa kanyang katawan at spirit ngayong all soul’s day po,” simulang mensahe ni Andrew sa kanyang FB followers.

“Right now she is still under the state of comatose, hindi po humihinto sa pakikipaglaban ang kanyang katawan at kaluluwa, at hndi po naggi-give up ang kanyang puso.

“Kaya ako po ay hihingi ulit ng inyo pong mahalagang oras, sabayan nyo po kaming manalangin, iparinig po natin sa buong langit ang laman po ng ating mga puso and let our voices echo in their hearts.

“Ipagdasal at ipaglaban po natin ang ating mga mahal sa buhay,” aniya pa.

Nauna rito, lumuluhang ibinalita ni Andrew na nagkaroon ng ikalawang “arrest” ang asawang si Jho dahil sa swelling at bleeding sa utak.

“Actually, medyo malungkot lang. Nag-MRI test tayo kahapon and then doon sa kanyang MRI, nakita natin na may bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya.

“Tapos kahapon during the MRI test, nag-arrest na naman siya. Nagkaroon siya ng second arrest kahapon. So hihingi po sana ako ng tulong sa inyo.

“Guys, help me pray. Kasi sa mga panahong ito, lumalaban talaga siya. Lumalaban po ulit siya ng sobrang grabe. Kaya kagabi pa po kami nagdadasal para sa kanya.

“Panalangin ko sa Panginoon, bigyan ng lakas ang asawa ko. Give her the strength to push through. Kasi isang taon na siyang lumalaban.

“Hindi pa rin siya naggi-give up. And yesterday was one of the hardest fight of her life and she is trying to win it,” ang tuluy-tuloy ang pagluhang sabi pa ni Andrew.

Marami namang netizens ang nagsabi na tatagan lamang ni Andrew ang kanyang kalooban dahil naniniwala sila na sa dami ng nagdarasal para sa kanyang asawa ay gagaling at bubuti na ang kanyang kalagayan.

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her lifeAndrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba

Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Misis ni Andrew Schimmer muling isinugod sa ICU 1 linggo matapos makauwi mula sa ospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending