Pia Wurtzbach na-diagnose rin ng depresyon at anxiety: There’s no magic cure, you just learn how to get better…

Pia Wurtzbach na-diagnose rin ng depresyon at anxiety: There’s no magic cure, you just learn how to get better...

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

BAGO matapos ang paggunita sa Mental Health Awareness Month ngayong Oktubre, nagbahagi si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ng mga pinagdaraanan niya ngayon sa kanyang personal na buhay.

Inamin ng Kapamilya actress at TV host na may mga issue rin siya pagdating sa kanyang mental health journey na hindi raw alam ng karamihan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Pia ng ilang litrato kalakip ang pag-amin na hindi raw lahat ng nakikita ng mga tao sa social media ay 100 percent na totoo.

“Last year, I posted my TedX speech where I talked about my mental health struggles (link in bio). I was diagnosed with depression and anxiety while I was Miss Universe and since then, it’s been a journey of learning, healing, sometimes falling off track, and then bouncing back again,” ang simulang pagbabahagi ni Pia.

Ayon sa dalaga, nagdesisyon siyang mag-post sa socmed ng tungkol dito dahil alam niyang hindi lang siya ang nakararanas ng mga ganitong uri ng mental health problems.


“Nowadays, I’ve learned and adapted healthier habits that help manage my emotions, but it’s not to say it’s all smooth sailing because it never really just goes away.

“There’s no magic cure. You just learn how to get better at managing it. But even with everything I’ve learned already, with the support I have & how truly blessed I am (believe me I know this and I am so grateful for it), even with all of that…it’s still a daily struggle,” mariing sabi ng dating beauty queen.

Dagdag pang sey ng dalaga, sa bawat umagang gumigising siya ay todo palagi ang pasasalamat niya sa Diyos, kahit pa nga may mga araw na ang bigat-bigat ng pakiramdam niya dahil sa mga kanegahan sa paligid.

Pero aniya, mas pinipili pa rin niya ang magpakapositibo, “I celebrate even the little victories. Wins don’t have to come in the form of a crown, a big work opportunity or trying to run a marathon.

“Wins are those moments where I choose to get out of bed instead of staying in and consuming media all day.

“It’s when I stick to my promise of seeing a friend instead of flaking and staying home,” sabi pa ng aktres.

“Let’s keep winning everyday,” payo pa ni Pia sa madlang pipol.

Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers

Pia Wurtzbach muling nagbilad ng kaseksihan sa Greece, pinaapoy ang socmed: ‘Grabe naman!!!’

Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

Read more...