ISA sa pinaka bigating pinoy personality sa mundo ng YouTube ay ang vlogger na si Toni Fowler o mas kilala bilang si “Mommy Oni.”
Sa ngayon, mayroon siyang mahigit 11 million followers sa naturang video sharing app.
Curious ba kayo mga ka-bandera kung ano ang halaga ng first salary niya bilang YouTuber?
Ibinunyag niya ‘yan sa isang YouTube interview ng beteranong broadcaster na si Karen Davila habang sila’y nag ha-house tour sa mala-palasyong bahay ng Toro Family.
Inamin ni Mommy Oni na kumita siya ng P800,000 sa kanyang unang sahod three years ago.
Kwento pa niya na kahit siya raw ay nagulat dahil hindi niya akalaing ganun kalaki ang makukuha niya.
Sey niya kay Karen, “So natutuwa akong mag-upload then nagulat ako na may kita ako…’yung unang sahod ko oh my God!…800k.”
Umamin din si Mommy Oni na hindi niya inaasahang sisikat siya bilang content creator.
Noon daw kasi ay tambakan lang niya ng videos ang YouTube hanggang sa kinumbinsi raw siya ng isang kaibigan na pagkakitaan ito at doon na raw nagsimula ang lahat.
Chika niya, “Hindi po talaga, kasi ang story ko po ng YouTube tambakan ko lang po ng videos.
“Tapos kinulit lang ako na ‘alam ko pwedeng kumita diyan? Tapos kinalkal lang niya ng kinalkal tapos minonetize niya lahat.
Sinabi niya rin na ‘di nagtagalan ay naaliw na raw siya sa paggawa ng mga vlog, lalo na’t sa tuwing lalabas daw siya ay dumadami ang mga nagpapa-picture sa kanya.
“Tapos ako, upload lang ng upload, tapos ‘yung iba kapag nakasalubong ako, ‘uy nanood kami ng vlog mo’, talaga? May nanonood pala ng vlog ko,” kwento ng vlogger.
Ayon din kay Mommy Oni na kahit malaki ang kinikita niya ngayon ay hindi siya naging “maluho.”
Sey niya, “Alam mo, sa totoo lang, wala kang makikita sakin na LV or ano, kahit dumating sa point na kaya naman…hindi po ako maluho.”
Ipinakita niya pa kay Karen ang kanyang walk-in closet at ipinagmalaki na wala siyang kinokolektang branded o mamahaling mga gamit.
Aniya, “Tsaka siyempre, hindi naman natin alam kung hanggang kailan tayo kikita ng malaki kaya dapat hindi tayo magastos.”
Read more:
Ferdinand Topacio may hugot sa pangboboykot kina Toni at Nadine: Tigilan na natin yang politika!
Toni Fowler may ‘horror story’ sa butt enhancement: Motor oil ang nalagay sa akin
Lea Salonga, Pentatonix napakanta ng ‘Christmas in Our Hearts’ ni Jose Mari Chan