Sa wakas, magpapasa na ng korona sina Mister and Miss Chinatown Justin Yap at Cassandra Chan
SA ISANG virtual competition nagwagi sina Mister and Miss Chinatown Philippines Justin Yap at Cassandra Chan noong 2020, at hawak pa rin nila ang mga titulo makaraan ang dalawang taon. At sa wakas, maisasalin na nila ito sa mga tagapagmana nila ngayong gabi.
Nagbabalik sa entablado ang taunang patimpalak para sa kabataang Filipino-Chinese, at itatanghal ang final competition at coronation ceremonies sa The Theater at Solaire ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City ngayong Oct. 30, alas-7 ng gabi.
“I’ve always wanted to be Miss Chinatown, way back in 2015. And I took a chance in 2020. It changed my life completely because it helped me realize how lucky I am to be a ‘Chinoy,’ a Filipino-Chinese here in the Philippines,” sinabi ni Chan sa Inquirer sa press presentation ng mga kalahok na ginawa sa Red Carpet ng Shangri-la Plaza Mall sa Mandaluyong City noong Okt. 16.
Sinabi ni Yap na hindi naman siya “pageant person” o “show biz person” nang magwagi. At naging ibang tao na siya dahil sa mga natanggap at naranasan makaraaan ang patimpalak.
“I’m looking forward to whoever will replace us as the new Mister and Miss Chinatown,” pagpapatuloy pa niya.
Habang nagrereyna, sumabak din si Chan sa 2022 Miss World Philippines pageant kung saan siya hinirang bilang Miss World Philippines Charity, ang pangalawang Miss Chinatown na nagwagi sa isang malaking national pageant, kasunod ni 2016 Binibining Pilipinas Nicole Cordoves na pumangalawa rin sa Miss Grand International pageant na itinanghal sa Estados Unidos.
Ibinahagi naman ni Yap na hindi nawawala ang mga oportunidad sa entertainment industry para sa kanya. “Every day is a learning process, and that’s what I like to do. I love learning every single day, and honing my skills, whatever skills I have possessed already,” aniya.
Sampung dilag at 10 kalalakihan ang magtatagisan para sa mga titulo nina Yap at Chan. Sinabi ng pageant producer na si Alvin Tan ng ChinoyTV na hinahanap ng patimpalak ang mga magiging kinatawan ng makabagong Filipino-Chinese community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.