Enrique Gil ayaw munang pumirma ng kontrata sa kahit anong TV network, wala pang magustuhang offer?

Enrique Gil ayaw munang pumirma ng kontrata sa kahit anong TV network, wala pang magustuhang offer?

Liza Soberano at Enrique Gil

MAY paliwanag si Ogie Diaz sa ibinalita ni Nanay Cristy Fermin na nasulat namin dito sa BANDERA nitong Linggo, Oktubre 23 tungkol sa naudlot na paglipat ni Enrique Gil sa GMA 7.

Ang balita, marami raw kasi itong demands tulad ng makakatrabaho niyang direktor, mga writer, pati na mga personal assistant na ang gusto ay ‘yung mga nakatrabaho raw niya sa ABS-CBN.

Ibinalita ito ni ‘Nay Cristy sa “Cristy Ferminute” radio program nila ni Romel Chika na napapakinggan sa Radyo5 92.3 News FM.

Sa “Showbiz Update” naman tinalakay ito ni Ogie kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ang tungkol sa mga dahilan ni Enrique.

Ani Ogie, “Galing ‘yan sa source ni Ate Cristy. Ang alam ko diyan ay ready siya for pitching. ‘Yung pitching na sinasabi ay ‘mag-offer kayo sa akin kung ano ‘yung puwedeng teleserye o pelikula na gagawin ko kung magustuhan ko, okay ako at payag ako, Go! Pag hindi niya gusto hanap ulit ng story line para i-pitch sa kanya.”

Sa kasalukuyan pala ay walang kontrata si Enrique sa kahit anong TV network.

“Ang alam ko ayaw muna ni Quen na pumirma kahit saang network parang feeling ko, kung saan pipirma si Liza Soberano, doon siya pipirma. Kung pipirma si Liza, ha?” sabi ni Ogie.

Hirit ni Mama Loi, “E, paano ‘yun ‘Nay (Ogie) si Liza doon pumirma sa US? So, mag-US na rin kaya si Quen?”

“Hintayin natin Loi kasi ang alam ko nasa US si Enrique, ‘yun ang alam ko ha. Parang paborito na nila ni Liza ‘yung Hawaii, eh,” sambit ni Ogie.

“Baka doon na siya gagawa ng project?” tanong ni Mama Loi sa co-host.


“Yan ang hindi natin alam. Pero for now hindi pa ready pumirma si Quen kahit saang network, ganu’n din si Liza. Parang gusto nila per project basis. Freelance,” say pa ng dating manager Liza.

May ibang tsika naman si Tita Jegs na nakita ng kaibigan niya kamakailan na tumaba si Enrique baka kaya ayaw muna nitong tumanggap ng trabaho.

“At least hindi siya nagbibisyo kung tumaba man. Actually, si Quen ‘yung tipo ng lalaki na gustong tumaba kaya niyang magpataba.  Kapag gusto niyang magpapayat kaya rin niya magpapayat.

“Siguro wala pa siyang napupusuang pini-pitch sa kanya.  Kasi si Quen kapag nagustuhan niya ang isang role na pinitch sa kanya, ang ginagawa niya ay inihahanda na rin niay ang katawan niya,” kuwento ni Ogie.

Sa kasalukuyan ay nag-aabang pa rin ang supporters ng LizQuen kung ano ang next project ng magka-loveteam.

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Read more...