Ion Perez kay Vice: Ang pagmamahal ko sa ‘yo walang rason para maging MALI! Happy 4th anniversary asawa ko!

Ion Perez kay Vice: Ang pagmamahal ko sa 'yo walang rason para maging MALI! Happy 4th anniversary asawa ko!

Ion Perez at Vice Ganda

ANG bongga ng naging selebrasyon ng mag-asawang sina Vice Ganda at Ion Perez para sa kanilang ikaapat na anibersaryo bilang magkarelasyon.

Ngayong araw, October 25, ang eksaktong petsa ng anniversary ng Kapamilya couple at sinalubong nga nila ito kahapon hanggang madaling-araw kanina.

In fairness, talagang pinaghandaan nina Vice at Ion ang kanilang 4th anniversary dahil bukod sa pa-videoke party ay may pasabog pang fireworks display.


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ion ng dalawang litrato nila ni Vice kung saan enjoy na enjoy silang pinanonood ang fireworks display sa garden ng isang private resort sa Tiaong, Quezon.

Sa kanyang caption sinabi ni Ion na wala raw rason para maging mali ang pagmamahal at pagsasama nila ni Vice Ganda as partners in life.

“Uulitin ko! Maraming rason ang TAMA para maging MALI pero ang pagmamahal ko sayo walang rason para maging MALI!!!

“Happy 4th anniversary asawa ko! (three purple hearts emojis),” ang mensahe ng model-actor sa kanyang asawa.

Nagbahagi rin si Ion sa kanyang Instagram Story ng mga naging kaganapan sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo.

Sa mga nakita naming social media post, present din sa anniversary party nina Vice at Ion si Awra Briguela at ilang members ng Hashtags tulad nina Kid Yambao, Wilbert Ross at Zeus Collins.

Sa IG account ni Zeus mapapanood din ang video ng fireworks display sa party na may caption na, “Happy anniversary Gandara & Ion De Guzman!

“Ito ang masarap panoorin sa social media yung puno ng pagmamahal
(heart, praying hands, 100% emojis),” aniya pa.

Inilantad ni Vice ang relasyon nila ni Ion noong October 26, 2019, kasabay ng 10th anniversary ng “It’s Showtime.”

Sa isang pahayag ni Vice inamin niya na parang hindi niya kayang mag-isa, “Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa.

“In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong. Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa,” aniya pa.

Dugtong niya, “At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

“At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa. Meron na akong katuwang sa buhay,” sabi ni Vice na ang tinutukoy nga ay si Ion Perez.

Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Rayver may 2 rason kung bakit ‘di pa pakakasalan si Janine; Alden lalaban sa 2021 NY Festivals

Read more...