Zeinab Harake nag-sorry sa lahat ng nasaktan: Tao lang din po ako at hindi perpekto, nawa’y mapatawad n’yo ako…

Zeinab Harake nag-sorry sa lahat ng nasaktan: Tao lang din po ako at hindi perpekto, nawa'y mapatawad n'yo ako...

Zeinab Harake

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa payo ng pambansang lalaking Marites na si Xian Gaza sa kaibigan niyang si Zeinab Harake na tanggapin ang pagkakamali nito at humingi ng sorry sa mga taong kanyang nasaktan.

Ito rin ang payo ng kapwa vlogger ni Zeinab na si Madam Inutz na tanggapin ang pagkakamali lalo na sa mga taong walang ginawa sa kanya pero nasaktan sa mga naging rebelasyon ng manager niyang si Wilbert Tolentino.

Napag-isipan ito marahil ni Zeinab dahil ngayong araw ay nag-post siya ng kanyang public apology sa mga taong sinabihan niya ng hindi maganda.

Aniya sa kanyang Facebook post, “Gusto ko lang po sana humingi ng paumanhin sa lahat ng taong napagsalitaan ko ng hindi maganda at sa mga kaibigan kong nadamay sa issue na aking kinasangkutan.


“Ate Jelai Andres, Ate Alex, Ate Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts and Sachzna. Hindi po ako magbibigay ng kahit na anong excuse, ang mga nabasa nyo po ay mga salitang nabitawan ko ng hindi ko napag isipan, tao lang din po ako katulad nyo. Ang ugali kong ito ay hindi tama at dapat kong baguhin. I’m really sorry.

“Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin. Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa’y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I’m so sorry.

“I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better. Maraming salamat po. (praying hands emoji),” mensahe pa ng dalaga.

Maraming netizens ang nagpadala ng suporta kay Zeinab at unang nagbigay ng komento ay ang kaibigan niyang si Xian Gaza.

Say nito, “Lahat tayo ay nagkakamali. Ang importante eh nakikita natin ito at handang magbago. Move on. Move forward. Pulutin ang leksyon. I’m always here for you. God bless.”

Mula naman kay @John Paul Salonga, “The good thing about being human is we will always have room for improvements. I know you’re trying your best everyday to become a better person for yourself and your family. Character development and growth is not comfortable, sad that you had to learn that the hard way pero I am so proud of you ate dahil tinangap mo. Super bait mo, alam namin yon. We love you, always! As in always.”

Galing kay @Jessica Absalon, “Hindi tayo perpekto ang importante alam natin na nagkamali tayo at handa tayong itama ito , We love you ate mahal na mahal ka namin.”

Sabi ni @Mary Joy Ocampo, “Lahat ng tao nagkakamali. walang taong perpekto. Walang masama humingi ng pasensya kung alam mong nagkamali ka. So proud of you, Zei.”

Gayun din si @Princess Ramos, “We love you, queen! Kahanga hanga ang pag sorry mo, pag accept ng mali, at pag promise na you’ll become better. Hindi lahat ng nagkamali, kayang gawin yan. We’re always, always here for you, Lucas, and Bia.”

Baron humingi ng tawad sa mga beking pisikal niyang nasaktan: Sana po mapatawad n’yo na ako

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Read more...