Andi todo suporta sa pagsabak ni Philmar sa 26th Siargao Int'l Surfing Cup: I'm sooo proud of you mahal ko! | Bandera

Andi todo suporta sa pagsabak ni Philmar sa 26th Siargao Int’l Surfing Cup: I’m sooo proud of you mahal ko!

Ervin Santiago |October 25,2022
facebook
share this

Andi todo suporta sa pagsabak ni Philmar sa 26th Siargao Int’l Surfing Cup: I’m sooo proud of you mahal ko!

Ervin Santiago - October 25, 2022 - 09:13 AM

Andi todo suporta sa pagsabak ni Philmar sa 26th Siargao Int'l Surfing Cup: I'm sooo proud of you mahal ko!

Philmar Alipayo at Andi Eigenmann

PROUD wifey siyempre ang aktres na si Andi Eigenmann sa muling pagsabak ng asawang si Philmar Alipaya sa isang surfing competition.

Nag-join si Philmar, na isang kilalang professional surfer sa Pilipinas, sa ginanap na 26th Siargao International Surfing Cup kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, todo-pasalamat si Philmar kay Andi sa walang sawang pagsuporta nito sa lahat ng mga ginagawa niya sa buhay, kabilang na riyan ang pagse-surf.

Ayon kay Philmar talagang nakasama niya sa kanyang journey si Andi sa kabuuan ng pagsali niya sa 26th Siargao International Surfing Cup.

Ibinahagi ni Philmar sa IG ang mga litrato na kuha habang nagse-surf siya sa karagaran ng Siargao Island at nilagyan ng caption na, “Ona sa tanan gusto ko mag pasalamat sa ako asawa na way undang na support dako! Love you mahal ko @andieigengirl. (Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang asawa ko sa pagsuporta niya sa akin).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


In fairness, talaga namang 100 percent ang ibinigay na suporta ng aktres at celebrity mom sa kanyang fiancé. Makikita ito sa mga Instagram post niya nitong mga nakaraang araw.

Pinasalamatan din ni Andi ang lahat ng mga sumuporta sa laban ni Philmar sa 26th Siargao International Surfing Cup kalakip ang sweet messagr niya para sa pinakamamahal na asawa.

“CONGRATS on an amazing performance all through out the 26th Siargao International Surfing Cup, and for making it until the semi finals!

“I hope this a good way to get you to keep believing in yourself! Because you still got this! You are an inspiration to many and I am sooo proud of you mahal ko,” pahayag ng anak ni Jaclyn Jose.

Marami ang humahanga sa pagiging hands-on misis at nanay ni Andi, lalo na noong iwan niya ang mundo ng showbiz para mamuhay ng normal sa isla ng Siargao kasama ang pamilya.

Kamakailan, natupad din nina Andi at Philmar ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng sariling business sa Siargao. Nakapagpatayo na sila roon ng Kanaway Surf School at Kanaway Snack Bar.

Andi Eigenmann nakumpleto ang buhay mula nang manirahan sa Siargao: I’m now legit living the life I’ve always dreamed of…

Sa wakas, Andi Eigenmann natupad na ang childhood dream kahit 3 na ang anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi may hugot sa pagtatayo ng sariling negosyo sa Siargao: Symbolic of how far we’ve come…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending