Pacquiao balak pa ring sumabak sa politika; nagpakitang-gilas sa harap ng mga Koreano

Pacquiao balak pa ring sumabak sa politika; nagpakitang-gilas sa harap ng mga Koreano

Manny Pacquiao at Sandara Park

INAMIN ng Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao na may plano pa rin siyang sumabak sa mundo ng politika.

Ito’y kahit nga natalo siya sa pagtakbong pangulo ng Pilipinas nitong nagdaang national electionsna ginanap noong Mayo.

Nabanggit ito ng boxing legend nang maging special guest siya sa isang episode ng comedy variety show sa South Korea na “Knowing Bros.”

Dito, ipinakita sa pamamagitan ng isang video clip ang naging buhay noon ng People’s Champ sa General Santos City at kung paano siya nagsikap upang marating ang kanyang mga pangarap.

Napanood ng mga Korean fans ni Pacquiao ang kanyang mga naging hirap at sakripisyo bago nakilala bilang isang world boxing icon.

Kasama ni Manny ang Korean pop idol na si Sandara Park sa bonggang guesting nito ss “Knowing Bros.”

Sabi ng isa sa mga hosts ng programa na si Lee Soo-geun nang ipakilala at i-welcome na nila si Pacquiao, “I love you, I respect you.” Kinamayan pa niya talaga ang Pambansang Kamao habang nagsasalita.

Kuwento ni Pacquiao, “Pumunta ako rito para i-promote ‘yung exhibition match ko this coming December 11.


“Mahirap, malakas din ang mga matatanggap mong suntok,” aniya kasabay ng paglalarawan ng mga naranasan niyang challenges sa ilang taong pagboboksing.

Sa isang bahagi ng show, inalala ni Pacman ang naging laban nila ng dating American professional boxer na si Oscar dela Hoya.

“Kasi akala nila dahil mas maliit ako kay (Oscar) dela Hoya, baka masaktan ako. Pero sabi ko, ‘Kaya ko.’.They were thinking na baka masaktan lang ako dahil maliit ako.

“Actually maraming hindi naniwala na mananalo ako kay dela Hoya, maraming nag-doubt sa akin but I proved it to them. Pinatunayan ko sa kanila,” sey pa ng dating senador.

Samantala, inamin din ni Manny sa mga host ng naturang Korean show na hindi siya pabor noong una sa pagpasok din ng anak niyang si Jimuel Pacquiao sa boxing.

“Nandoon siya sa L.A. ngayon nakatira kasi nagba-boxing na rin. From the beginning ayaw ko mag-boxing sila (mga anak).

“Pero gusto niya (Jimuel) talaga mag-boxing kaya pinapayagan ko na lang,” sabi ni Pacquiao.

Kasunod nito, napag-usapan nga ang pagpasok niya sa politika at ang pagtakbo niyang presidente last May elections.

“Sumali ako dahil gusto kong disiplinahin ‘yung mga tao pagdating sa korapsyon. Gusto kong sugpuin ang corruption at umunlad ‘yung bansa natin,” pahayag ng dating senador.

Tinanong naman siya ni Sandara, “May balak ka ba sumali ulit?”

“Meron pa rin. ‘Yung passion ko makatulong ulit, madisiplina ‘yung mga tao, nandoon pa rin,” sagot ni Manny.

Nagpakitang-gilas din siya sa programa ng kanyang “da moves” pagdating sa pagboboksing kasunod ng pagbibigay ng detalye sa isang charity exhibition match na magaganap sa darating na Disyembre.

Dito makikipagbakbakan si Manny sa Korean YouTuber at MMA fighter na si DK Yoo.

“Ang magiging income nito pagtulong sa mga naapektuhan sa war against Ukraine and Russia. And also magbibigay tayo ng libreng bahay at lupa sa Pilipinas,” ani Pacquiao.

Bukod sa paglabas sa “Knowing Bros” ng South Korea, nag-guest din si Pacman sa comedy variety show na “Running Man.”

Angeline ilang beses nang inalok na sumabak sa politika: Why not? Pero…

Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting

Andrea handa na nga bang sumabak sa pagpapaseksi ngayong 18 na?

Read more...