Ian Veneracion bumilib sa galing nina Rabiya Mateo at Andrea Torres: Masaya silang katrabaho!

Ian Veneracion bumilib sa galing nina Rabiya Mateo at Andrea Torres: Masaya silang katrabaho!

Ian Veneracion

PURO papuri ang ibinigay ni Ian Veneracion sa dalawa niyang leading lady sa bago niyang movie-series, ang pasabog na action-drama na “One Good Day.”

In fairness, talagang tumodo ang producer ng nasabing serye na Studio Three Sixty, sa budget ng una nilang project kaya naman talagang naging mala-Hollywood ang kabuuan nito na idinirek ni Lester Ong.

Sa trailer pa lang ng “One Good Day” ay napakarami nang pasabog na eksena si Ian Veneracion at ang iba pang cast members tulad nina Aljur Abrenica at Joel Torre.

Pero ang isa pa sa mga dapat abangan sa pelikula ay ang mga eksena ni Ian kasama sina Rabiya Mateo at Andrea Torres. Kumusta katrabaho ang dalawang Kapuso stars.

“Si Rabiya ang love of his life, ng character ko. Pero she dies early. ‘Yun ang nag-start ng lahat ng kaguluhan, na nag-revenge siya, that’s why nag-resort siya sa violence.

“Working with Rabiya, she’s always on time. Very professional!

“Si Andrea very professional din. Lahat sila masaya kasama sa set.

“Para kaming basketball team na hindi na kami naninibago. Unlike pag wala ka sa bubble, hindi naman talaga kayo nagkakasama. Sa bubble, even after work, nagkakakuwentuhan kayo.


“We eat together. Some would drink together. Maganda ang bonding. Walang bad times,” pahayag ng aktor na nagbabalik-aksyon.

Bukod dito, abot-langit din ang pasasalamat at paghanga ni Ian sa co-star nilang si Joel Torre. Pagbabahagi ni Ian, may isang eksena raw siya sa movie na kasama si Joel pero sa kanya lang naka-focus ang camera.

“Hindi siya kita sa kamera, ha! Pero ang ginawa niya, umiiyak talaga siya. Ganun siya mag-support. Kaya nung turn ko na, binigay ko rin ang full performance ko. Ganu’n kami sa set,” sabi pa ni Ian.

Samantala, naniniwala kaming puwedeng-puwede ngang ipantapat ang “One Good Day” movie-series ni Ian sa mga Hollywood movies. Kahit trailer pa lang ang aming napanood ay nakita na agad namin ang ganda nito at ang quality ng production.

Ipinagmalaki rin ni Direk Lester na si Ian talaga ang gumawa ng kanyang mga stunts at buwis-buhay na fight scenes at hindi siya nagpa-double. Kaya naman mas tumaas pa ang paghanga niya sa aktor.

Mapapanood na ngayong darating na November ang “One Good Day” sa Amazon Prime Video.

Ian Veneracion sa pagsabak sa politika: Gusto kong mag-ipon ng kaibigan, hindi kaaway…OK na ako sa simpleng buhay

Ian Veneracion ikinumpara kina Liam Neeson at Keannu Reeves, kering-keri pa ring makipagbakbakanGeneva Cruz may pa-throwback kasama si Ian Veneracion: Who wouldn’t have a crush on him?

Geneva Cruz may pa-throwback kasama si Ian Veneracion: Who wouldn’t have a crush on him?

Read more...