Ahron Villena: Kapag namatay ako gusto ko ‘yung tragic, ‘yung naaksidente o nabaril ka…

Kapag namatay ako gusto ko ‘yung tragic, ‘yung naaksidente o nabaril ka...

Ahron Villena

KALOKA itong si Ahron Villena! Kung lahat ng tao ay gustong mamatay nang matahimik, siya naman ay kakaiba. Gusto niya ng tragic death.

“Siguro, kapag namatay ako mas gusto ko ‘yung tragic. Parang mas gusto ko ‘yun. ‘Yung kunwari accident, nabaril ka.”

‘Yan ang sabi ni Ahron when we asked the cast members of “Love In 40 Days” kung saan sila mas takot, yung hindi nila alam kung kailan sila mamamatay, hindi nila alam kung ano ang ikamamatay nila o kung saan sila mapupunta after nilang mamatay.

Itsinika ni Ahron na recently lang ay napag-usapan nila ng kanyang barkada ang konsepto ng kamatayan.


“These past few days parang nagbibiruan kami ng mga kaibigan ko about death, nasa coffin ka ba, cremated ka ba.

“Ako kasi, mas gusto ko sana cremated. As long as nagawa ko na ‘yung role ko sa mundo, kasi sometimes hindi mo talaga masasabi ang buhay,” chika niya.

Kung mamamatay siya now, may isang wish lang daw si Ahron.

“Siguro kapag dumating na ‘yung time na ‘yun, ang wish ko lang ay ‘yung mom ko ay umuwi dito from Japan kasi hindi kami nagkita talaga for so long,” he said.

Last week na ng “Love in 40 Days” na nagtatampok kay Loisa Andalio bilang si Jane Marasigan na nagging ghost nang maaksidente ito.

Nakilala niya ang kanyang  soulmate na Edward Montemayor played by Ronnie Alonte.

Napapnood ang series sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, and Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page.

Andrew Schimmer inireklamo ang nangyari sa asawa: Tingnan n’yo naman, hirap na hirap ‘yung tao…manas na manas

Arnold Clavio: Sa mga umaasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay…

Allan K, Ahron Villena nagkakamabutihan na nga ba?

Read more...