‘A whole new world’ natuklasan ng Pinoy ‘Aladdin’ sa mga kapwa kalahok sa Mister International
SINALUBONG ni Myron Jude Ordillano ng Pilipinas ang mga kapwa niya kalahok sa 2022 Mister International pageant, ang ika-14 edisyon ng pandaigdigang patimpalak, na muling itatanghal sa bansa.
At para sa kanya, napakapalad niyang mailagay sa kanyang kinaroroonan.
“I’m very happy to see different parts of the Mister International candidates of the whole world, so I’m just beyond blessed. As much as I want to go outside the country, I am happy to welcome them to our beautiful country,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa press presentation na isinagawa sa Luxent Hotel sa Quezon City noong Okt. 23.
Mula nang mapanalunan ang titulo niya nitong Hunyo, ihinahalintulad na si Ordilano sa isang Disney prince, partikular ang live-action version ni “Aladdin” na ginampanan ng aktor na si Mena Massoud sa pelikula noong 2019. “It’s very crazy to me how people compare me to that, and it’s an honor. I wouldn’t think that anybody would ever compare me to such an iconic figure,” sinabi ng Pilipinong hari.
Tinanong pa siya kung naniniwala siyang makatutulong ang paghahambing na ito sa paghahangad niyang masungkit ang titulo bilang Mister International. “I hope so. I hope it does. But if not, you know, I’ll do my best either way, just by being myself. I’ve been working very hard for this,” tugon niya.
Makakatunggali niya ang 33 iba pang kalahok mula sa iba’t ibang bansa, at magtatagisan na sila sa preliminary competition na itatanghal muli sa Luxent Hotel sa Okt. 27, alas-7 ng gabi. Hihirangin naman ang bagong Mister International sa grand finals na itatanghal sa New Frontier Theater sa Araneta City sa Quezon City sa Okt. 30.
Para sa impormasyon kung paano makakabili ng tiket sa preliminary competition at sa grand finals, pumunta sa opisyal na Facebook page ng Mister International.
Tatlong taon ang hinintay bago muling nakapagsagawa ng Mister International pageant. Huling itinanghal ang edisyon nito para sa 2018, na isinagawa sa Pilipinas noong Pebrero 2019, at kung saan nasungkit ni Trinh Van Bao ang ikalawang tagumpay ng Vietnam. Sa kasalukuyan, isang Pilipino pa lang ang nananalo, ang pulis na si Mariano Flormata Jr. namas kilala bilang Neil Perez na nagwagi noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.