Hash Alawi may pa-dyowa reveal sa madlang pipol, aprub kina Ivana at Mona: ‘Ngiting panalo, ah!' | Bandera

Hash Alawi may pa-dyowa reveal sa madlang pipol, aprub kina Ivana at Mona: ‘Ngiting panalo, ah!’

Pauline del Rosario - October 24, 2022 - 06:08 PM
Hash Alawi with girlfriend Alexis

Hash Alawi with girlfriend Alexis (PHOTO: screengrab from YouTube vlog of Hash)

FINALLY, ipinakilala na ng Youtube vlogger na si Hash Alawi ang kanyang girlfriend sa madlang pipol.

Kamakailan ay nag-viral nga ang isang TikTok video ni Hash na kung saan ipinasilip niya ang isang “mystery girl” na ipinagda-drive siya.

Marami ang nag-akala na si Ivana ‘yung girl, pero ito na pala ang kanyang girlfriend.

Napa-comment pa nga doon si Mona at sinabing, “yung ngiti mo (crying emoji)  ngiting panalo ah.”

@hash.alawi My turn to be the passenger princess 👰🏻‍♂️ #foryou #fyp ♬ sonido original – Rodri Madriz 🧔🏻‍♂️

Kung si Mona botong-boto, aba, aprub din sa social media star na si Ivana Alawi ang girlfriend ni Hash.

Mapapanood sa latest vlog ni Hash na tinawagan niya ang kanyang ate na si Ivana at tinanong pa kung ano ang nagustuhan sa kanyang girlfriend.

Sey ng social media star at aktres, “Magaling siyang makisama and she makes my brother happy.”

At heto nga, mga ka-bandera, para makilala niyo pa nang lubos ang “Ms. Right” ni Hash na si Alexis, may pa-“question-and answer” portion sa bagong vlog ni Hash na ibinandera noong October 23.

Ito ang “first time” na humarap sa madlang pipol si Alexis at pinakilig pa ng dalawa ang madlang pipol.

Unang tinanong sa dalawa kung saan sila nagkakilala.

Sagot ni Hash, sa isang “dating app.”

Sinundan naman ito ng isang tanong para kay Alexis kung bakit siya nag “swipe right” sa binata.

Ikinuwento niya na napansin kasi niyang mahilig mag-travel si Hash gaya niya at nagustuhan din daw niya ang “dimples” nito.

Chika niya, “First thing I noticed when I swiped right ‘yung travel photos, and I thought it would be nice that I talk to someone na ginagawa rin ‘yung mga things na you’re interested in.

“Also when I zoomed in, napansin ko ‘yung dimples niya and he has a nice smile, so yeah.”

“For me, it was ‘love at first swipe,’ you know, parang I’m not really expecting anything pero parang ‘yun na pala ‘yung person you’re going to be with,” dagdag pa ni Alexis.

Ang isa pang naging curious ang netizen, kung ano ba ang nakikita nilang pinaka “attractive” sa isa’t-isa?

Sabi ni Hash, ang naging “attractive” kay Alexis ay ‘yung mga mata nito.

Saad ng YouTuber, “Marami kasing magandang features sa kanya… I think her eyes.

“Parang her eyes are unique and ‘yung shape, parang maganda ‘yung shape at tsaka kapag nag-iisip siya or looking away and when she looks at you, parang may power ‘yung mata niya, when she looks at you, matutunaw ka.”

Ang sagot naman ni Alexis, “Sakin maybe not looks… He makes me feel secure, loved and wanted, and diba parang it’s really hard to find someone na i-assure ka na ikaw lang ‘yung only girl for him, just me.”

Nabanggit din ng dalawa sa vlog kung ano ang tatlong bagay na nagustuhan nila sa isa’t-isa.

Para kay Hash, ang pinaka gusto niya kay Alexis ay ‘yung pagiging “caring,” family-oriented, at ang ilong nito.

Habang ang nagustuhan naman ni Alexis kay Hash ay masaya raw itong kasama, family-oriented din daw, at “very expressive” at “sweet.”

Naitanong din kay Alexa kung bakit ngayon lang daw ito nagpakita sa publiko.

Ayon kay Hash, masyadong “private” at mahiyain si Alexis.

Pero ipinaliwanang ng kanyang girlfriend na natakot siya na baka hindi siya tanggapin ng fans para kay Hash, lalo na’t kilala raw ang pamilyang Alawi.

Sey ni Alexis,  “One of the reasons kung bakit ako natakot kasi baka hindi ako pasok sa standards ng mga tao, ‘yung gusto nila for Hash is maybe famous, and medy bumaba ‘yung self-confidence ko and self-esteem kasi feeling ko, I have to look better and I need to do a lot more things bago ako magpakilala.”

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings

FB page ni Ivana Alawi bigla na lang nawala: No warning, no violation, no report, no e-mail…

Mona Alawi mas piniling tumulong sa mga batang may sakit kesa gumastos sa bonggang debut, Ivana super proud ate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending