Jessy Mendiola nag-shopping nang bongga bago manganak, ninega ng netizen

Jessy Mendiola nag-shopping nang bongga bago manganak, ninega ng netizen
BIHIRANG mag-shopping si Jessy Mendiola pero when she does, talagang shopping spree ang kanyang ginagawa.

Sapost niya sa kanyang Instagram account, ipinakita ng aktres ang kanyang shopping haul na siyempre pa ay puro branded. Among those we saw were Louis Vuitton, Chanel and Polo.

“Yes! Isang na namang unboxing ang magaganap dahil nagkaroon ng shopping haul nung nasa Singapore kami. Sabi ng wallet ko, ‘tama naaaaaaa!’ joke! May pamamanahan naman dahil baby girl ang magiging anak ko (dibaaaa, justifying si gurl!)” caption ni Jessy sa kanyang IG post.

Pero wais na shopper naman pala ang aktres dahil marunong naman siyang magtipid at mag-allot ng pera para sa kanyang shopping spree.

“But kidding aside, I always make sure that I save up and prepare a budget for my expenses whenever I travel, especially now na alam kong medyo matagal tagal pa akong makakabyahe ulit,” say niya.

Marami naman ang positive reaction sa post niya.

“Hay naku Ms. Jessy, for sure si baby peanut sabihin nya sau na not my style take note iba iba ang mga taste kahit anak mo pa yan.”

“I have the same bucket hat and Hermes scarf I bought in Italy. It’s okay to save and splurge one in a while. We work hard for it.”

“woww nman ang ganda ng hat mo ma’am Jessy hilig ko rin mg hat tuwing lalabas ako ng bahay hatid sundo sa anak kung girl,pero dalawa lng yong kaya kung bilhin saka ukay pa,salit salitan nalang ang ginagawa ko, ingat po kayo ni baby peanut.”

Pero merong nambasag kay Jessy na basher who said, “Aysus bakit kaya tong mga artista masyadong show off??? Naghirap na nga ang buong mamamayan, pero nagpapahambog pa rin tong si Jessy kung gaano sila ka well off at makakabili mg channel, Hermes etc.

“Wala na ngang kinakain ang iba eh puro pahambog naman ang ginagawa ni Jessy. Oo Jessy, mayaman ka na. Ikaw na talaga ang queen ng Hambugera.”

Related Chika:
Luis, Jessy nag-celebrate ng 1st wedding anniversary: One down, forever to go!

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Jessy Mendiola ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Edu na-shock din nang malamang buntis na si Jessy, hirit kay Luis: ‘Wow! When did you do that?’

Read more...