MAGBABALIK telebisyon na ang South Korean star na si Kim Seon-ho at kinumpirma na ‘yan mismo ng kanyang talent agency na “SALT Entertainment.”
Kung matatandaan noong nakaraang taon ay nasangkot sa isang malaking kontrobersiya ang aktor na naging dahilan kung bakit umatras ang ilan niyang proyekto at “sponsors.”
Para sa mga hindi knows, ganito kasi ang nangyari.
Nagsimula ang isyu sa isang “anonymous” post na sinasabing may isang aktor daw ang pumipilit umano sa kanya na ipalaglag ang kanilang baby kapalit ang pangakong pakakasalan siya.
Marami ang naghinala na si Seon-ho ang tinutukoy sa viral post dahil ibinandera ito kasabay ng “series finale” ng “Hometown Cha-Cha-Cha.”
Humingi naman ng tawad ang aktor dahil siya raw ay naging pabaya at walang pakialam.
O ayan mga ka-bandera getsing niyo na?
balik na tayo sa talagang chika ko sa inyo.
Heto na nga, may “comeback drama” si Seon-ho at bibida siya sa romantic historical drama na pinamagatang ‘Shinru of Hash.”
Ang revelation ay nalaman namin sa South Korean media outlet na “Dispatch” na kung saan nakausap nila mismo ang isa sa mga opisyal ng talent agency ng aktor.
“Kim Seon-ho has been offered a role in the drama ‘Shinru of Hash’. We are positively reviewing his appearance,” sey sa panayam ng media outlet.
Ang ‘Shinru of Hash” raw ay iikot sa “love story” ng isang “genius scientist” at isang babae na nakikita ang “future.”
Nagsimula bilang “stage actor” si Seon-ho noong 2009.
Taong 2017 naman nang mag-umpisa siyang lumabas sa K-dramas.
Read more:
Robin Padilla nagtataka sa pagkahumaling ng Pinoy sa K-Drama: Mas pogi naman kami!